Produced by Tamiko I. Camacho,Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net Special thanks to Thomas Buchanan for providing the means to save this book. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] MAIKLING KASAYSAYAN =ISA PANG BAYANI ...= SINULAT NI =JUAN L. ARSCIWALS= (_Kasapi sa "Ilaw at Panitik"_) * * * * * KASAYSAYANG MANGGAGAWA _na nagkagantimpala sa Timpalak-Panitik ng Kapisanang "Balintawak" ng 1915, sa ilalim ng sagisag na: "Maktan"_ AT MGA PANGUNANG SALITA NI =_G. Carlos Ronquillo_= (Tagapamahala ng Taliba) =UNANG PAGKAPALIMBAG= _Maynila, S.P. 1915_ IMPRENTA Y LIBRERIA DE _P. Sayo Vda. de Soriano_ Rosario 225 Plaza del Conde 1008, Binondo y Azcarraga 552, Tondo. [Larawan: Juan L. Arsciwals] _Samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalingan ng mga manggagawa sa Pilipinas ay hindi isinasailalim ng kapakanan at kagalingan ng marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway ng Kalubusan ay ni mamamanaag._ =_Juan L. Arsciwals._= =Parang mga= =Pangunahing Talata= _Puhunang walang puso at mapanginis; manggagawang napaghaharian ng biglaang simbuyo ng loob at napasusuko ng munting siphayo; aklasang sa tabi-tabi lamang pinagkakaisahan at hindi bunga ng isang pagliliming mahinahon; isang Pablong napakakasangkapan sa Puhunan, sa bsa ng masasarap na pangako at isang Gervasiong puno ng aklasan nguni't alagad ng kahinaang loob at ng kawalang-pagasa; isang Maurong masugid na alagad ng Bagong Panahon nguni't mahinahong gayon na lamang, at kahinahunang hindi nagtapos sa mabuti kundi sa loob ng bilangguan; saka aklasang sa gulo natapos at namatay sa kusang pagpatay ng manggagawa rin ... iyan ang sa aklat na ito ng kaibigang Arsciwals ay boong liwanag na naglalarawan._ _May palagay akong, maliban sa ilang pangyayaring katha, ang lahatlahat na ay ulat lamang ng isang pangyayaring tunay na nasaksihan ng may akda. Kung kaya, maliban na lamang sa ilang kulay na naiiba, ang lahatlahat na ay siyang tunay na kulay ng mga pangyayaring malimit masaksihan natin sa pagaaklasan dito. Walang pinagibhan ni munti. Kilusan at mga tao ay iyan na walang inibhan. Kung kaya, maaaring sabihing sa maikling kasaysayan ay nakuhang ilarawang ganap ng kaibigang Arsciwals ang samang magpahangga ngayo'y siyang tunay na sanhi ng pagkaunsiyaming kalungkotlungkot ng halamang tanim ng mga de los Reyes, Lope K. Santos at H. Cruz at inalagaa't inaalagaan ng mga J. Kalimbas, D. Ponce, F. Mendoza, mga Soriano, A. de Jesus, C. Evangelista, P.H. Santos, G. Masangkay, A.P. Gonzales. V. Basilio atbp._ _Nariyan nga ang sama at maliwanag na nalalarawan sa harap ng lahat. Kailangan kayang lunasan? Hindi kailangang itanong. Nguni't sa paanong paraan? Iyan ang tanong, na kung nang mga nagdaang sampung taon ginawa ay marahil noo'y pagaalinlanganan pang sagutin. Upang sabihin ang totoo, sa loob ng mga araw na ito ay hindi na kaila kanino man kung ano ang lunas na nararapat ikapit diyan. Ang suliranin at kilusang manggagawa sa Pilipinas ay na sa gitna na ng landasin at ang araw ng sosyalismo'y malaon nang namanaag at ibig nang magtanghaling tapat. Kung kaya, bihirangbihira na ang di nakatatalos. At iyang kapuripuring kilusan ngayon na patungo sa pagbubuo ng mga_ Trade Unions, _kilusang pinagpasimunuan ng matatalinong manggagawa, sa limbagan at boong siglang pinagsusumundan ngayon ng mga kapatid ni Mauro, ay siyang nagpapatotoo sa sabi._ _Sa bisa nga ng ganyang kilusan ay maaaring asahang sa araw ng bukas ay magiging parang pangarap na lamang ang larawang guhit ng makisig na pinsel ni Arsciwals: ang sama ay lubusang mawawala. At ni isang Pablo, ni isang Gervasio at isa mang manggagawang balisawsawin, ay wala nang makikita. Magiging Mauro ang lahat, sapagka't ang lahat ay makaliligtas na sa bulag na isipan at sa duwag na guniguni, at pag nagkaganyan na'y mawawala na naman at di masasaksihan ang mga welgang lansangan at aklasang sa pabiglabigla. At ang isip ay lulusog, at ang puso ay titibay._ _Ganito ang aking pag-asa at paniwala. At sa bisa ng paniwalang ito ay kung kaya nasukat ko at napagabot ang kahalagahan ng akdang ito ni Arsciwals. Nakikinikinita kong sa likod lamang ng maiksing panaho'y lubos nang mawawala ang dito'y inilarawan ng may akda, at dahlan dito'y ano at bakit nga di magkakahalaga ito sa ang akdang ito'y magiging pangpagunita sa kalunoslunos na kahapon ng suliraning manggagawa rito? Dahil na dahil man lamang dito, at huwag na sa iba pa, ay labis nang ikagalak at purihin ang pagkakapaglathala dito._ _Kaya, tanggapin ng kaibigang Arsciwals ang aking papuri._ =_Carlos Ronquillo._= 25 Sept. 1915. Ilang salita muna ... Mga Manggagawa: Sa paglalathala ko n~g aklat na it ay wala akong nasang iba, liban na sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may tungkulin ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na pagkapariwara n~g lalong magaganda at dakilang kilusn n~g m~ga kawal n~g bisig. Hindi ko nasa ang maglahad n~g anomang tuntunin ukol sa bagay na ito sapagka't hindi pa ako karapatdapat sa gayon; subali't, nais kong kahi't bahagya ay makatulong sa paghanap n~g sakit na pinagbubuhatan n~g untiunting pagkamaty n~g masisigla at mahahalagang kilusan n~g ating m~ga manggagawa, upang pagkatapos ay mailantad sa harp ng madla, na walang anomang takip at hubad na hubad. Nariyan n~ga ang sakit! At ang m~ga nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas ay siyang unaunang nararapat na humanap n~g lunas upang sa lalong madaling panahon ay magamot ang sakit na nasabi. Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko n~g kasaysayang ito ay hindi ko nasang sugatan ang damdamin n~g sino at alin mang tao Kapisanang Manggagawa; at ang nagudyk sa akin sa ganit ay ang sa mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang pagliwayway n~g ganap na Katubusan n~g m~ga mangagawang pilipino, maging anoman ang kahalaga n~g Katubusang ito. Sa waks ay malugod at buong puso kong inihahandog ang Munting Kasaysayang ito, sa lahat at bawa't isa n~g m~ga manggagawang pilipino at gayon din sa m~ga matatalinong makamanggagawa na nagtataguyod sa buhay at kapalaran n~g m~ga ank-pawis dito sa atin. Kun sa palagay ninyo, m~ga manggagawang pilipino na makababasa sa Kasaysayang kalakip nito, ang kanyang m~ga nilalama'y walang kahalhalag sa harap n~g m~ga suliraning manggagawa sa Pilipinas ay ipalalagay ko rin, na ako'y walang sinulat na anoman, at ang Kasaysayang ito ay ituring ninyo na isang panaginip n~g sumulat isang pan~garap lamang n~g diwa kong umaasa sa Tagumpay n~g Paggawa sa ibabaw n~g Puhunan.... =_Juan L. Arsciwals._= Tundo, Maynila, S. P. Sept. 8, 1915. =I= Umaga n~g ika 29 n~g Hunio n~g 1914. Ang maluwang na daang Azcarraga, sa dakong Tundo sa panulukan n~g daang Ilaya, na kinatatayuan n~g isang malaking pagawaan n~g tabako, ay marami ang nagtayong m~ga manggagawa; m~ga babai't lalaki, matatanda't bata. Pulpulutng ang pagkakayos. May kanikaniyang usapan at may kanikaniyang pinagtatalunan. Sa anyo't pagmumukha n~g lahat at bawa't is sa kanila ay nalalarawan ang isang malaking pagkainip, pagkainip na kinababadhaan n~g pananabik n~g kanilang m~ga puso sa isang mahalagang bagay mandin na ibig malaman. Doon, sa dako n~g dulaang Rizal, ay isang pulutong ang makikita; nan~gaguusap at nagtatatalong mainitan. Sa dako pa rito, sa tapat n~g Botika Morelos ay is pang pulutng; pulutng na kinabibilan~gan n~g maraming kabai. Saa't saan man, at ang lahat halos n~g dako n~g panulakn n~g m~ga daang Azcarraga at Ilaya, ay kakikitaan n~g maraming m~ga manggagawa na ang m~ga mata ay pawang napapako sa iisang pook; sa maluwang na pinto n~g isang malaking bahay, n~g bahay pagawaan n~g tabako na kanilang pinapasukan. --Kay tagal nila...!--ang pabulalas na wika n~g isa sa nagkakalipon. --An kaya ang kasasapitan?--ang wari'y tanong na isinagot n~g is pa. At ang tanong na it'y hindi napan~gahasang sagutin n~g sino man sa m~ga kaharp, at sa m~ga labi n~g bawa't nakarinig ay waring napabitin ang kasagutan. Walang ginawa ang marami kundi sa pintuang pinagmamalas na lagi ay ipako ang m~ga mata, at nang wala ring makitang anoman ay agad na binawi ang m~ga panin~gin upang sa m~ga kalipon ay ibaling. An ang hinihintay n~g m~ga manggagawang ito? Anng bagay ang kanilang kinasasabikang malaman? Ano't sa mukha n~g lahat ay nababadha ang malaking pagkainip? Alamin muna natin ang lahat nang ito, samantalang naghihintay sila upang mabatid natin. Nang araw na sinundan, ang m~ga manggagawang nasabi ay tumanggap n~g isang babalang buhat sa m~ga may-ari n~g pagawaan, at doo'y ipinababatid sa kanila na sa kinabukasan ay ibababa ang upa sa lahat n~g m~ga "vitola" na kanilang ginagawa. Pagkatanggap nila n~g gayon babala, at sa pan~gan~gasiwa n~g pangulo n~g Kapisanan nilang natatayo sa loob n~g pagawaan ay nagsipagpulong ang lahat, at doon ay pinagusapan ang nararapat nilang gawin. Pagkatapos n~g isang mahaba at mainitng pagtatalo ay pinagkaisahan n~g lahat, na magsugo n~g isang Lupon sa m~ga mamumuhunan, upang maipabatid na sa dating mababang upa na kanilang itinatanggap sa bawa't "vitola" ay hindi na nila matatanggap pa ang pagbababang gagawin; at tuloy na ipinamanhik sa nahalal na Lupon na mangyaring gawin nila ang lahat nang magagawa, upang sa mapayapang pagmamatwid, ang m~ga mamumuhunan ay magbagong pasy. Ang nan~gahalal na Lupon ay ang pan~gulo na rin n~g kanilang Kapisanan na nagn~gan~galang Gervasio Sarili at si Mauro Alvarez. Sa dalawang ito ay tatlo pa ang isinama na pawa namang m~ga kasama nila sa pagawaan at sa Kapisanan. Ang m~ga ito ay siya nilang pinagkayarian sa pulong na idinaos sa kinahapunan n~g pagkatanggap nila n~g babala; kaya't nang umagang yaon n~g ika 29 n~g Hunio, at sa pook na naiulat na sa dakong una, ang m~ga dukhang ank-pawis, ang m~ga manggagawang tabakero na nagkakatipon sa iba't ibang slok at hayg na pook n~g m~ga daang Ilaya at Azcarraga, ay sabik na sabik at inp na inp na halos sa paghihintay sa kahahangganan n~g paguusap, na nang m~ga sandaling yaon ay idinadaos n~g nahalal na Lupon n~g m~ga manggagawa at n~g m~ga mamumuhunan. Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa dumarating. Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao m~ga taong makita nilang lumabs at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila, siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha. --Pagkatagaltagal...!--ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami. --Magsisilabs na sila ...--ang wika naman n~g ilan, na parang itinutugn at inilulunas sa pagkainp n~g madla. At parang itinan sa huling tugon n~g iln, sa pinto n~g pagawaan ay nagsilabas ang lim katao. --Narito na! Narito na!--ang sunodsunod at nagkapanapanabay na naibigks n~g marami, nang makita ang m~ga nagsilabs. Ang bawa't pulutong n~g m~ga manggagawang yan, ang bawa't pangkat na nag-usap, ang lahatlahat na, ay nagsikilos, nagsilakad, at ang dumarating na Lupon ay sinalubong. --M~ga kapatid:--ang wikang malakas n~g pan~gulong Gervasio nang mapalapit sila sa m~ga kasama--Mahaharap marahil tayo sa isang malaking paglalaban. --An po ang nangyari?--An po ang kinasapitan?--ang saby-saby na tanun~gan n~g marami. --Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat; sila ay nagpapakatigs ...--ang tugn din n~g pan~gulo. --Kung gayon, tayo'y magsiakls.--ang sigaw n~g isang manggagawa. --Magsiakls...!! Magsiakls ...!!--ang ulit-ulit na sigawan n~g marami. --M~ga kasama:--ang malakas na wika ni Mauro,--Tayo'y huminusay! Pumayapa tayo, at ang lahat ay pagusapan natin n~g boong kalamigang loob. --Welga!! Welga!!--ang ipinaghuhumiyaw din n~g marami. --Tayo'y magsiakls...!!--ang ulit n~g ilan. --Magsiakls!!--ang tugn n~g lahat. --Ang lahat ay magagawa--ang tugng malakas din ni Mauro--subali't, kailan~gan nating pagusapan muna ang m~ga paraang gagawin. Tayo'y magpulong n~gayon din, at doon nating pagkaisahan ang lahat. --Magpulong! Magpulong!--ang sigawan n~g lahat. --Tayo nang lahat sa dulaang Rizal--ang wika n~g pan~gulo. --Sa dulaang Rizal!--ani Mauro naman. --Tayo na m~ga kasama...!--ang ulit n~g madla. At ang lahat ay nagsilakad; parang iisang katawan nang kumilos, at ang dulaang Rizal na di naman nalalayo ay siyang tinun~go. Sa mukha n~g bawa't is, ang kagitin~gan ay nababakas; at nababadha sa pawisan nilang noo ang bhay, ang sigla at ang laks. Ang masiglang kilusang yaon n~g m~ga manggawang tabakero, ay labis na mahihinuhang kung magpapatuloy ay siya nang babala n~g pagsikat n~g mabiyayang araw n~g Katbusan. =II= At, ang malaki at maaliwalas na dulaang Rizal, sa kapahintulutan n~g m~ga may-ari, ay kaunti nang mapuno sa dami n~g tao. Halos dalawa sa ikatlong bahagi n~g m~ga butaka ay may m~ga tao; bukod pa ang m~ga nagtayo sa paligidligid n~g palko at "entrada general." Sa harap n~g lahat, at sa ibabaw n~g "escenario," ay nan~gakaupo sa palibid n~g isang lamesa ang Lupong sinugo, at ang iln pa rin sa m~ga bumubuo n~g lupong pamunuan n~g Kapisanang Manggagawa sa loob n~g pagawaan. Samantalang ang m~ga na sa itaas n~g "escenario," ay nan~gagusap pa muna bago pasimulan ang pulong, ang m~ga nan~gasasaibaba nama'y walang tigil sa m~ga pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na lahat sa mangyayaring labanan n~g m~ga manggagawa at mamumuhunan. Ang alin~gawn~gaw n~g salitaan ay gayon na lamang, at halos ang iba'y hindi na magkarinigan. --Ituloy ang aklasan!--ang walang ano-ano ay narinig na isinigaw n~g is. --Ituloy!!...--ang tugng pasigaw din n~g karamihan. --At lalo nang hindi magkamayaw sa in~gay ang lahat. Isang tinig, ang mula sa ibabaw n~g "escenario," ay narinig. At ang tinig na ito'y siyang pumutol sa masiglang pagusap n~g lahat. At ang lahat ay napatahimik, at ang m~ga panin~gin ay tun~gong lahat sa magsasalita. Si Gervasio ay siyang nakatayo sa harap n~g madla. Sa lahat ay ipinabatid, na ang pulong ay buks na. At pagkuwan ay sunod na isinalaysay ang m~ga pinangyarihan at kinahangganan n~g pagusap n~g Lupon at n~g m~ga mamumuhunan. Ipinakilala at isinakabatiran n~g lahat, na ang pagbababa n~g pa ay ipagpapatuloy din, at ang anomang matwid na inilat n~g Lupon ay ayaw dinggin n~g m~ga namamahala sa pagawaan at bagkus na nagpakatigstigs sa kanilang nasa. --Ang m~ga mamumuhunan--ang patuloy pa n~g nagsasalita--ay nagsabi pa, na kung sino raw ang ayaw tumanggap n~g mababang pa ay maaaring huwag pumasok. Kay--any--ang masusunod n~gayon: ang ibig tumanggap ay makapapasok at ang ayaw nama'y huwag. Sa harap n~g ganitong pagmamatwid, kayo, m~ga kasamang ank-pawis, ang siyang magpasya; sabihin ninyo n~gayon dito kung ano ang minamarapat ninyong gawin. At pagkatapos na mapahiran ang mukhang pawisn n~g nagsasalita ay ipinatuloy: --M~ga kapatid: ibig bag ninyong tanggapin ang pagbababa n~g pa? --Ayaw kami!!--ang sigawang napakalaks n~g lahat. --Kung gayon--anang pan~gulo pa rin--ano ang ibig ninyong gawin? --Magsiakls!... It ang sagutan n~g lahat. At ang alin~gawn~gaw ay lumaganap na naman. Untiunting nagkakain~gay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi na halos magkamayaw. Sa harp n~g gayong mainit na kilusn, si Mauro, ang bagama't bata sa tanang m~ga kasama sa paggawa ay kina-aalang-alan~ganan n~g marami sanhi sa taglay na maran~gal na ugali at iniiwing kaunting talino, sa harap n~ga n~g gayong pagkakagulo, ay boong siglang tumayo at sa madla'y sinabi: --Mga kapatid; kayo'y pumayapa. At ang lahat ay natahimik. Narinig nila, na ang nagsasalita ay si Mauro; si Maurong tuwituwina'y kanilang iginagalang. Ang pagkakagulo ay nahusay at ang lahat ay humandang makinig. At si Mauro, sa harap n~g gayong katahimikan ay nagsalita: --M~ga kamanggagawa:--anya sa buhy na tinig.--Sa harp n~g napakalaking suliranin na sa n~gayon ay ating kinasusuun~gan ay kinakailan~gan natin ang isang lalong malinaw na pagiisip upang ang bigt n~g suliraning ito ay mapagpasyahan natin n~g boong liwanag at huwag tayong malihis sa landas n~g matwid. Kinakailan~gan natin n~gayon, at higit kailan man, ang isang malamig na kalooban, upang ang kalamigang ito ay siyang maghatid sa atin sa wasto at makatwirang pagkilos at pagpapasy. Kailan man, ang kapusukan at init n~g loob, sa anomang bagay na gagawin, ay malimit humantong sa pagsisisi; pagsisising sa lahat nang sandali ay dapat nating ilagang sumapit, lubha na sa m~ga bagay na dakila't mahalaga, na gaya na n~ga n~g hinaharap natin n~gayon, na pagtatanggol sa matwid at karapatan nating m~ga manggagawa. Matwid at karapatan nating m~ga manggagawa, ang wika ko, sapagka't ang matwid at karapatang ito, ang sa pagbababang iyan n~g pa sa paggawa ay siyang niwawalang kabuluhan at ibig yurakan. Karapatan natin sa harp n~g sino man, na ang pagpapagod at pawis na pinupuhunan natin ay tumbasn n~g sapt na kaupahn; at ang karapatang it, kailan ma't ibig na bawasan, ay matwid naman natin ang tumutol hanggang maaari at ipagtanggol hangga't maaabt n~g kaya ... sukdang ikamatay. Naputol sumandali ang pagsasalita ni Mauro, sanhi sa maugong na palakpakang isinund n~g madlang nakikinig sa huli niyang m~ga pan~gun~gusap. Pagkatapos n~g palakpakan, si Mauro ay nagpatuloy: --Sa m~ga nangyayari sa atin n~gayon ay maliwanag na nakikita natin, na ang karapatan at matwid nating ito ay ayaw kilalanin. Sa pamamagitan n~g ipinan~gan~gahs nilang laks, ang alin mang daing natin ay ayaw na dinggin. Nagbibin~gibin~gihan sila at sa kahinaan natin ay malalakas at maugong na halakhakan ang itinutumbas. Sa harp n~ga n~g ganitong m~ga pangyayari ay ano ang kailan~gan nating gawin? Ah, m~ga kapatid! Kinakailan~gan natin ang lakas ... at upang ang lakas na ito'y tamuhin natin ay kailan~gang lubha ang pagiis, pagka't tan~ging naririto ang ganp na tagumpay. Sa ganito n~ga ay ano ang ibig ninyong gawin? --Masiakls...!! Magsiaklas!!--ang sigawan n~g lahat. --Kay ang masusunod--ang patuloy pa ni Mauro--Ibig ninyong sa pagpapakilala n~g ating matwid ay gamitin ang aklasn, gamitin n~ga natin! datapwa't ipahintulot muna ninyong, ako, na kapatid ninyo at kaisang-palad ay magpaalaala n~g isang bagay. Ang aklasan, para sa m~ga ank-pawis na gaya natin, para sa m~ga nabubuhay sa lanran~gan n~g paggawa sa Pilipinas, ay gaya rin naman n~g sa m~ga manggagawa sa Pransia, sa Amrika sa Espanya at sa iba pa mang lupain, na ginagamit na sandata laban sa paghahari n~g lupit n~g Puhunan sa ibabaw n~g matwid at karapatan n~g m~ga manggagawa. Ang aklasan, ay ginagamit kung ang makatwirang daing at kahilin~gan n~g m~ga ank-pawis ay ayaw na dinggin n~g Puhunan; at sa m~ga nangyayaring ito sa atin ay maliwanag na namamalas na tayo'y ayaw pakinggan sa makatwirang pagtutol. Upang kilalanin n~g Puhunan ang ating matwid, kayo rin ang nagsusumigaw n~gayon, na gamitin natin ang aklasan; kung gayon, tayo'y magsiakls...! Subali't sa paglalabanang kasusuun~gan natin ay kinakailan~gan, na n~gayon pa man ay humanda na tayo sa pagtitiis n~g hirap. Ilaan natin ang katawan sa m~ga sakit na karaniwang dinaranas sa alin mang pagbabaka bago sumapit ang tagumpay, at hindi lamang ang m~ga sarili natin ang ilaan sa pagbabaka at pagtitiis, kundi pati rin naman n~g sa ating m~ga asawa't ank, magulang at kapatid, na pawang magsisipagtiis n~g gutom, kung sakali't kakailan~ganin ang mahahabang araw sa pagbubungguan n~g dalawang laks. Pagtitiis at pagtitiis...! Ito ang kailan~gan natin upang maitaguyod n~g boong dan~gal ang aklasang gagawin ... At, kung kayo, m~ga magigiting na ank-pawis ay hindi nahahanda sa gayon, makalilibo pang mabuti na tayong lahat n~gayon ay mamayapa na at sumailalim n~g bawa't maibigan n~g m~ga mamumuhunan. --Magtiis tayong lahat!!--ang sigaw n~g lalong marami. --Salamat, m~ga kapatid:--ang patuloy pa ni Mauro--Kung gayon mula sa araw na ito, buhat sa m~ga sandaling ito, ang sandata nating m~ga manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay. Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa atin ang pagtataksil. Ang sariling kapakanan at kagalin~gan n~g bawa't isa sa atin ay kailan~gang isailalim sa kapakanan at kagalin~gan n~g marami upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa Silan~ganan n~g bayang manggagawa ang mabiyayang araw n~g Katubusan. M~ga kamanggagawa: Isigaw nating: Mabuhay ang aklasan! --Mabuhay!! Mabuhay!!!--ang sigawan n~g lahat. --Sino man ay walang magtataksil. --Wala ni sino man! At ang aklasan mula noon ay napagtibay. Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa m~ga mamumuhunan ay siya na ring pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan. Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na taglay sa puso n~g bawa't is, ang malaking pananalig sa kadakilaan n~g kanilang ipakikipaglaban. Sa kapahintulutan n~g may-ari n~g dulaang Rizal, ito ay siyang pinagkayarian ding maging "Cuartel General" n~g m~ga nagsiaklas. Ang Lupon sa aklasan, noon din ay napatun~go sa Kawanihan n~g Paggawa, upang ipagbigay alam ang m~ga nangyari. Pagkatapos n~g ilang pagtatanng na ginawa n~g matalinong Tagapamahala, ukol sa pinagbuhatan n~g aklasang ipinasya n~g lahat, ang Kawanihan ay nan~gakong gagawin niya ang lahat nang magagawa upang sa lalong madali ay malutas ang salitaan sa ikasisiyang loob n~g bawa't panig. =III= Umaga n~g kinabukasan. Sa malaking pagawaan n~g tabako sa daang Ilaya, bagama't nakabukas maluwang niyang pinto, ay wala namang makikitang isa mang manggagawa. Tahimik, at ang datidating yabag n~g m~ga paang lumalakad sa pagyayao't dito n~g m~ga tabakero, sa pagkuha n~g m~ga "material" na gagamitin, at ang pagpupukpukan sa m~ga "tapadera" nila n~g m~ga pangbuling gamit, saka ang mataginting na tung n~g m~ga "chaveta" na ipinangdadapa n~g m~ga nag-alimbutod na "but" n~g dahon n~g tabako, at sampu na n~g malalakas na awitan n~g m~ga tabakera, noon ay pawang di na naririnig. Sa loob ng pagawaan, (at sapagka't sa Pilipinas ay di pa naghahari ang ganap na pagdadamayan n~g m~ga manggagawa) ay tan~ging makikita ang ilang manggagawa n~g kahong maliliit n~g tabako at saka ilang "embasador." Ang m~ga ito n~ga ay siya lamang makikita, sapagka't sa ganang kanila, ang kilusan n~g m~ga kapatid nilang tabakero ay di nila nararapat sundan at katigan, sanhi sa pangyayaring ang gawin nila ay naiib sa gawain n~g m~ga yuon. Ang kawikaang: _Ang sakit ng kalingkingan ay damdamin ng boong katawan_ sa kanila ay walang kakabukabuluhan, alangalang na n~ga sa paniniwala nilang iba sila. Anong laking pagkakaiba n~g ugali at kilos n~g m~ga manggagawa sa ibang lupain, sa ating m~ga manggagawa...! Sapagka't, samantalang don, sa boong _kaeorupahan_ at sa iba pang dako n~g Sangdaigdig, ang kilusan at pagdadamayan n~g m~ga anak-pawis ay hindi kumikilala ni pumipili n~g uri n~g m~ga manggagawang dadamayan, kundi sukat na ang pangyayaring kumilos ang isang pangkat na manggagawa sa pagtatanggol n~g matwid, upang ang iba namang pangkat ay kumilos, umabuloy at dumamay at kumatig sa madlang gawain n~g m~ga yaon, at kadalasan pa, lubha na kung nagaapy na halos ang labanan n~g Puhunan at Paggawa, sampu na n~g lahat n~g m~ga manggagawang may iba't ibang uri at kalagayan ay sumund naman sa m~ga ginawa n~g m~ga dinadamayan; samantalang ang pagtutulun~gan at pagaabuluyan n~g m~ga manggagawa roon ay ganp na ganp, dito naman sa atin ay hindi, kundi ang kadalasan pa'y hindi maabuluyan n~g anoman ang m~ga nagsiakls hanggang sa huli, sa pagtatanggol n~g matwid at karapatan. At ... tayo'y magpatuloy.... Nang umaga n~gang yaon, samantalang ang karamihan n~g m~ga nagsiakls, ay nan~gawiwili sa paguusap sa "Cuartel General" nila, isang tao naman ang pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan. Pagkapasok ay ang tanggapan n~g Tagapamahala ang tinun~go. Sa loob n~g nasabing tanggapan at sa harp n~g isang _lamesang marmol_ ay nan~gakaupo ang tatlo katao at kaukausap n~g nasabi nang Tagapamahala. Ang tatlong yaon ay siyang m~ga may-ari n~g pagawaan. --Magtuloy ka, Pablo, magtuloy ka--ang anyaya n~g Tagapamahala sa taong pumasok, nang makita itong nakatayo sa may pintuan. At si Pablo (tawagin na natin n~g ganit yamang siyang itinawag sa kanya) ay nagtuloy at sa isang silya ay umupo. --Ipinatatawag daw po ninyo ak--ang simulang wika ni Pablo nang maupo na. --Oo;--anang Tagapamahala--ipinatawag kita, sapagka't may isang bagay na mahalaga akong sasabihin sa iy. --Ano po yaon?--ang may malaking pananabik na tugn n~g kinakausap. --Isang mahalagang bagay na kapapalooban n~g iyong ikagiginhawa, at hindi lamang ikaw, kundi sampu pa n~g iyong "familia," kung ayon ka sa aking sasabihin. --Sabihin mo na po. --Nalalaman mo na marahil, na mula pa kahapon, ang m~ga "orgulloso" kong manggagawa ay nagsipagaklas. Ayaw na tanggapin ang pagbababa n~g kaunti sa kaupahan sa bawa't "vitola." Sila'y nagsiaklas at ang akala marahil n~g m~ga _walang utang na loob_ na iyan ay susuko kaming m~ga mamumuhunan. Susubukan namin kung hanggang saan aabot ang kanilang pagmamatigs; magpatuloy sila sa kanilang aklasan at tingnan ko lamang kung di sila mamatay sa gutom. Dahil sa bagay na iyan ay ipinatawag kita, at ang ibig ko, sampu rin naman nila, na pawang m~ga mamumuhunan sa pagawaang ito--at sabay na itinuro ang m~ga kaharap--ay gumawa ka rito, at tuloy humanap ka n~g ibang magiging kasama. --Ako po'y ... --Nalalaman ko--ang putol agad n~g Namamahala--na ikaw ay may pinapasukan; datapwa't nalalaman ko rin, na ang iyong kinikita roon ay hindi makasasapt sa iyo at sa iyong asawa't m~ga ank. Dito, kung papayag kang gumawa, at man~gan~gako pang hahanap n~g ibang magsisigawa rin ay bbigyan kita n~g katan~giang makagawa n~g hanggang ibig mo; alalaong baga'y hindi ka _tatasahan_ sa m~ga "material" na gagamitin, at sa gayo'y kikita ka n~g higit sa lahat, higit sa dating kaupahang ibinibigay dito at higit pa rin sa kinikita mo sa kasalukuyang ginagawn mo. An, nanayag ka ba? Si Pablo ay hindi magkantututo n~g isa-sagot; napipigilan siyang umayon, hindi sapagka't ang "conciencia" niya ang tumututol, kundi sa takot sa m~ga nagsiakls. Hindi naman niya matanggihan ang gayong pagaalk, sapagka't naiisip niya na yaon ay isang magandang pagkakataon na dapat niyang samantalahin upang ikita n~g malaki. Uulik-ulik ang kanyang isip at walang malamang isagt; kaya't nang mamalas n~g m~ga kaharap ang gayon niyang pagaatubili ay nagkindatan muna at pagkatapos na sumun~gaw sa kanilang m~ga labi ang isang n~giti ay winika n~g Tagapamahala. --An ang iyong sagt? At si Pablo, sa tanng na it ay parang nabuhayan n~g loob; kaya't ang tugn: --Ako po'y pumapayag; n~guni't nag-aalaala po ako na baka ... --Huwag kang matakot ... Ikaw ay hindi maaano ... Tatangkilikin ka n~g Pagawaan sa pamamagitan n~g m~ga bats ... Upang matangkilik ka at gayon din ang ibang kasamahan mong dadalhin dito ay magpapadala kami rito n~g ilang pulis na tatanod. --Kung gayon po'y ... --Asahan mo--ang hadlang n~g kausap. Huwag kang matakot; gawin mo ang lahat nang magagawa upang sa loob n~g linggong ito ay makapagpasimula na kayo. --Ang naiisip ko po ay si Gervasio ang unang hikayatin, yayamang siya po ang nan~gun~gulo sa kilusn; at inaasahan ko po, na kung ito ang makukuha natin ay lalong madadali ang pagsunod n~g iba. --Ikaw ang masusunod; at lalong mabuti, kung mahimok mo siya ... Ipan~gako mo rin ang m~ga bagay na ipinan~gako namin sa iyo. --Ako na po ang bahala--at sabay na nagtindig sa kinauupn at pagkatapos ay ang patuloy:--Ako po'y aalis na. --O--ang tugon n~g Tagapamahala, at pagkatapos na makadukot sa buls, ay ang patuloy:--Tanggapin mo ito, upang may magugol ka man lamang sa m~ga pagyayao't dito--at sa kamay ni Pablo ay iniyabt ang dalawang tiglilimang pisong papel. --Salamat po--ang nakatawang tugon n~g pinagbigyan at sabay na isinabulsa ang sampung piso.--Ako po'y aalis na,--ang dugtong pa. --Adyos!--ang tugon sa kanya n~g kausap. Isang malaks na halakhakan ang isinunod n~g m~ga naiwan nang makalabas sa pinto si Pablo. --Nakabili na tayo! nakabili na tayo...!--ang sunodsunod na wika pa n~g m~ga mamumuhunan na lalong pinakalaks ang pagtawa. Samantala naman, si Pablo, ang bagong Hudas, ang walang puso at kaluluwang manggagawa, ay nagpatuloy sa kanyang paglakad, at binabalangkas sa mahina niyang pag-iisip ang kung ano at paano ang mabuting paraang dapat niyang gawin upang si Gervasio ay mahimok, at sa pamamamagitan naman nit, ay makaipon n~g m~ga taong dapat na ipasok sa Pagawaang inaklasan. M~ga manggagawang gaya ni Pablo ay marami pa at di hamak na malilipol sa Pilipinas. =IV= =Tatlong= araw ang lumipas buhat sa huling m~ga pangyayari. Ang aklasan ay patuloy, at ang pagawaan ay hindi pa rin pinapasukan n~g sino mang manggagawang tabakero. Ang matalinong pagsisikap n~g Kawanihan n~g Paggawa sa ipagkakasundo n~g dalawang pangkat na naglalaban ay walang napala; nabigo ang lahat n~g pag-asa n~g Tagapamahala n~g "Bureau del Trabajo" sa ikahuhusay n~g sigalot sanhi sa pagmamatigas n~g m~ga mamumuhunan sa Pagawaang pinagaklasan. Makaitlong nagpabalikbalik sa Pagawaan ang Tagapamahala sa Kawanihang nasabi, subali't yaon at yaon din ang sagt n~g m~ga mamumuhunan. Hindi na nila mababago ang ipinasy ... Ganito ang laging panagt. Noon, ay umaga rin, at ang Lupon n~g m~ga manggagawa ay nakipagkitang muli sa Tagapamahala n~g Kawanihan n~g Paggawa, upang alamin dito ang tayo n~g salitaan; datapwa't walang natamong tugon dito kundi ang salitaang nabibitin ay patuloy sa dating lagay. Hindi nagbabago at lalong nagpapakatigs ang m~ga kalaban. Tiyaga at pagtitiis, ang tan~ging inihahatol n~g Kawanihan sa m~ga nagsiaklas, yayamang liban dito ay wala nang magagawang iba. --Inaasahan ko--ang patuloy pa n~ga n~g nasabing Tagapamahala--na sa huli ay mahuhusay din ang lahat nang sigalot sa ikasisiyang loob n~g dalawang panig. Sapagka't alamin ninyong kung malaki man ang nawawala sa inyo ay lalo namang malaki ang napipinsala at nawawala sa m~ga mamumuhunan; kaya't ito ay hindi rin naman makikipagtagalan sa paglalaban. At huwag lamang na sawng palad na pasukan n~g m~ga kamanggagawa ninyo ang pagawaang iyan ay inaasahan ko at maaasahan din naman ninyo na kayo'y magtatagumpy, kung di man sa lahat n~g inyong m~ga kahilin~gan ay sa marami niyang m~ga bahagi. At ang Lupong manggagawa ay bumalik non din sa pinagtitipunan n~g m~ga nagsiakls. Sinabi sa m~ga kasama nila ang pinangyarihan n~g kanilang huling lakad na yaon, at gayon din, isinakabatiran n~g madla ang tayo n~g kanilang salitaan at gayon ang hatol naman n~g Tagapamahala ng Kawanihan. Malalalim na buntonghinin~gang makadurog puso ang sa dibdib n~g m~ga kaawaawang manggagawang yaon ay pumulas; m~ga buntonghinin~gang nagpapakilala n~g tinitiis nilang hirap sa iilang araw pa lamang na itinatagal n~g aklasan. Gaano pa kaya, kung ang aklasan ay magtagal n~g isang buwan man lamang! At si Mauro, sa harp n~g gayong namamalas ay lihim na nagtitiis. --Umasa tayo at maghintay!--ang ipinanglulunas na lamang niyang hatol sa lahat. --O; umasa tayo at maghintay ...--ang ikinasisiyang tugn naman n~g marami. Subali't ... bigong pagasa! at sayang na paghihintay! Sapagka't sa kinahapunan non, si Pablo ay boong tpang na pumasok sa maluwang na pinto n~g Pagawaan, na kasama n~g may labing is pa, buhat sa ibang ginagawan. Labing-isang manggagawa sila na nahikayat n~g makamandag na dila ni Pablo! Labing-isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin n~g ib! Oh! Ang m~ga gahamang ito ay siyang dapat managt sa napakaraming aklasang natalo sa Pilipinas, at sa libolibong bibig na walang makain n~g m~ga asawa't ank n~g nagsisiakls. Lubha n~gang kanaisnais na ang m~ga ito'y mawala at malipol agad! Simula n~ga sa hapong yaon, ang Pagawaan ay untiunti nang nagkakaroon n~g buhay, at wala pang isang linggo, ang datihang linggal at manaknakang pukpukan at tawanan ay naririnig. At samantala'y ... Ang m~ga kahabaghabag na nagsiakls ay lalong nagsisipagtiis! Sa m~ga mukha nila ay nababaks ang isang malaking pot, nabbadha sa pawisang no n~g bawa't is, ang pagkasuklam sa m~ga gahaman at taksil na yaon na siyang sumira sa magiting na kilusan nilang m~ga nagsiakls. Di miminsan, at sa init n~g nagpupuyos nilang loob, ay balakin n~g ilan ang maghiganti; parusahan ang isa ilan man sa m~ga taksil na yan. Datapwa't ang lahat nang it, ang lahat nang balak at naiisip gawin, ay napipigilan, sanhi sa m~ga pan~gun~gusap at hatol na ibinibigay ni Mauro. Sa pamamagitan n~g maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban n~g kanyang m~ga kasama sa harp n~g namamalas na nalalapit na pagkabigo n~g aklasan. --Huwag--anya--huwag. Huwag nating isipin n~gayon ang pagpapadnak n~g kahi't iisang patak na dugo n~g ating m~ga kapatid din; hindi natin kailan~gan, at kailan~gan man natin ang gayon, ay hindi natin magagawa nang may kapakinaban~gan tayong tatamuhin. Para sa m~ga manggagawang pilipino, ang araw na iyan ay hindi pa dumarating; hindi pa n~ga, at lubhang napakalayo pa! Kung magkaminsan n~ga ay kinakailan~gan din ang pagpapadanak n~g dugo upang maipakilala sa m~ga taksil, ang kasamaang ibinubun~ga n~g kanilang m~ga gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa magagandang simulain, sa pamamagitan n~g kanilang m~ga inaasal; datapwa't ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang-ayon sa m~ga pagkakataon, at sang-ayon sa uri at hugis n~g sosyalismong umiiral at nalalaman kinikilala at pinamamantun~ganan n~g m~ga manggagawang gagamit n~g gayong _sandata_ ... Kayo na ang magsabi. Ano ang kapakinaban~gang mahihintay natin pagkatapos n~g pagpapadanak n~g dugo? Wala, kundi maghari ang laks n~g m~ga bats sa ibabaw n~g sawing-palad na tumupad sa atas n~g isang dakilang mithi ... at pagkatapos, ay maging dahil pa n~g m~ga pagpula sa gumawa; maging sadlakan n~g paguym at tagurian pa n~g _mamamatay_, unang-una na noong m~ga makikinabang sa huli sa mabuting bun~ga n~g gayong pagpaty. Makikita rin natin, na ang magiting na ito, ay bukod sa di na kahahabagan man lamang sa kinasapitang palad ay aalimurahin pa; itatakwil at pawawalang kabuluhan sa harp man n~g marami. Kaya n~ga m~ga kapatid; saka n! Saka n, kung makilala n~g m~ga manggagawang pilipino ang tunay niyang karapatan! Ang ganitong pan~gan~gatwiran ni Mauro ay siya lamang ikinapayapa at ikinalamig ng puso n~g m~ga kasama. At ... ang lahat ay naghiwahiwalay ... =V= At ... si Gervasio ay saan naroron? Ano't sa m~ga huling pangyayari ay di man lamang nakita gayong siya ang pan~gulo...? Alamin natin. Gaya nang nalalaman natin, si Pablo, nang makalabas sa pintuan n~g pagawaan, ay nagisip n~g m~ga paraang gagamitin sa paghimok kay Gervasio, upang ito ay magbalik sa Pagawaan. Sa gabi rin n~g araw na yaong makausap siya n~g may Pagawaan ay nagsadya na siya sa bahay n~g hihikayatin, at taglay sa puso ang malaking pagasa sa tagumpay ay walang kimi ni pagaalinlan~gan ipinabatid kay Gervasio ang kanyang layon, sa pamamagitan n~g m~ga tiyakang pan~gun~gusap at hindi maligoy na pagsasalaysay. Sinabi ang pagkakapatawag sa kanya n~g Tagapamahala n~g Pagawaan, at gayon din ang m~ga pan~gakong ibinigay at n~g sampung pisong kaloob. Si Gervasio, sa harp n~g gayong salaysay at panghihikayat ni Pablo, ay natilihan muna at di agad nakasagt; pinagbulaybulay sa isip niya ang m~ga pangyayari at dapat pang mangyari sakali't tanggapin ang amuki n~g kaibigang humihikayat. Nang mamalas ni Pablo ang gayong di pagtugon n~g kanyang kausap ay nagpatuloy: --Tingnan mo--anya--ano ang mapapala mo sakali't magpatuloy ka sa kalagayang taglay mo n~gayon? Inaasahan mo baga, na kayo'y magtatagumpay sa aklasan? Inaakala kong hindi, at nasabi ko na n~ga sa iyo ang sinabi sa akin n~g Tagapamahala sa Pagawaan. Titikisin daw niya at susubukan kung hanggang saan aabot ang inyong laks. At tan~gi sa rito, ano't _makikiloko_ ka sa kanila? Kung wala ka pa bang makain at sampu n~g iyong pamilya ay mayroong magbibigay sa iyo? --Iyan din n~ga ba ang sinasabi ko sa taong iyan--ang halos ay nangdididilat ang mata n~g asawa ni Gervasiong humalo sa salitaan--sa hirap naming ito ay hindi ko n~ga malaman sa taong iyan kung ano't hahalohalo sa m~ga kaululan at "chismes;" tila baga kung napipisanan na siya at sampu n~g kanyang pamilya ay may tutulong man lamang at makaaalaalang siya'y lapitan. Ss ... aywan ko n~ga ba!--at sabay sa m~ga huling pan~gun~gusap na ito ay nangdudura pa man din. Wala na; para sa mahinang puso ni Gervasio, ang ano mang pan~gan~gatwiran ay di na maibuka sa bibig. Marinig sa bibig n~g asawa niya ang isang pagsisi sa kanyang ginawa at ginagawa sa kapakinaban~gan n~g marami, bakit ay naisurot pa nito na kung ano at kung bakit hahalohalo sa m~ga "chismes," ay doon na pinanglupaypay na lalo ang kanyang marupok na puso sa harp n~g m~ga nakahahalinang amuki ni Pablo. Kaya't pagkalipas n~g ilang sandali ay napilitang magsalita. --Paano ang iba kong kasamahan? --Ang iba mong kasamahan?--ang wari'y sagot na tanong din ni Pablo.--Bakit mo sila _iintindihin_? Di bayaan mo sila! Ang bawa't isa ay dapat humanap n~g kanyang sariling kagalin~gan; kanikanyang hanap at pagsisikap ... --At ang aming sumpaan? At ang aming ...? --Walin mong kabuluhan--ang sal agad ni Pablo. --Aywan ko sa taong it--ang sabad na naman n~g babai--tila ibig mag Kristong papako sa krus sa kagalin~gan n~g marami at ibig yatang matawag na manunubos. --Siya n~ga naman--ang sambot pa ni Pablo--isipisipin mong mabuti. Ang iniaamuki ko sa iyo ay kagalin~gan mong sarili at n~g iyong pamilya. Siya na iyang makmakabayan! At si Gervasio ay pilit na sumuko; sa harp n~g dalawang tuks ay wala na siyang magagawa. At saka naaalaala n~ga rin niya ang gipit nilang kalagayan sa pamumuhay, sa gitna n~g malawak na dagat n~g buhay at sa gitna n~g naglalakihang daluyong n~g kasaliwaang palad. At siya, si Gervasio, ay walang tpang na makahaharap sa malalaking pagbabaka maging ang pagbabakang ito ay magbun~ga sa huli n~g tagumpay n~g isang dakilang simulain at kalasapan n~g di gaanong kagalin~gan n~g marami. _Maligtas lamang ang sarili ay mamatay na ang lahat._ Ito, ang simulaing naghari at pinapaghari ni Gervasio sa kanyang puso; kaya't sa waks ay sinabi n~g boong sigl. --Ako ay umayon. At ang pan~gulong Gervasio, mula sa m~ga sandaling yaon na bigkasin niya ang pag-ayon, ay isa na sa maraming taksil na naglipana sa Pilipinas. --Kung gayon,--ang may malaking kagalakang sabi ni Pablo--bkas n~g hpon ay sasama ka na sa akin. Tayo ay gagawa nang kasama n~g ilan pang manggagawa na kinuha ko sa ibang pagawaan. --Huwag; huwag muna. Kailan~gan nating hikayatin si Mauro. --Siya n~ga; lalong mabuti kung pati na siya ay makasama natin. --Inaasahan ko rin, na gayon ang mangyayari. Siya nama'y dukha ring kamukha ko ... wala rin siyang itatagal sa malaong aklasan. --Kung gayon, bukas na n~g hapon tayo pumaroon, at sa hapon ko na rin dadalhin sa Pagawaan ang m~ga magsisigawa, at pagkapanggaling ko roon ay saka na tayo magkita. Sa gabi na tayo pumaron. --Lalong mabuti n~ga--ang tugon ni Gervasio--kita'y hihintayin. --O, darating akong walang sala. At noon din si Pablo ay nagpaalam. Nariyan ang dahil, kung kaya't si Gervasio, sa pok na pinagtitipunan n~g m~ga nagsiakls ay di man lamang nakita. =VI= Sa harp n~g kanyang susulatn, si Mauro ay payapang nakaupo kinagabihan din n~g araw ring yaong ipinaghiwahiwalay nilang magkakasama. Nakapatong sa ibabaw n~g _lamesa_ ang dalawang bisig at sa m~ga palad ay nakakatang naman ang dalawang pisn~gi. Malungkot ang kanyang anyo; at sa pagmumukha ay nababaks ang isang napakalaking damdaming kinakabaka n~g puso, damdaming nakapagpapapuls sa dibdib n~g malalalim na buntonghinin~ga. Sadyang nang m~ga sandaling yaon, ay may isang malaking suliraning pinagaaralan ... Kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may m~ga manggagawang sa kilusang tun~go sa pagtatanggol n~g karapatan na pinagsisikapang itaguyod n~g iba nilang kamanggagawa ay nagkakatpang na siyang sumira sa kilusn sa pamamagitan n~g pagtataksil. Hindi niya lubos maisip ang sanhi n~g kung bakit samantalang ang ilang magigiting na kawal n~g pawis ay nagpapakaskit sa pagtataguyod n~g aping karapatan n~g m~ga manggagawa upang pagkatapos ay kilalanin n~g m~ga mapaniil na puhunan, ay marami rin naman sa m~ga manggagawa ang walang sinasamantala kundi ang gayong m~ga kilusan upang makasunod sa masamang nasa at kinamihasnan n~g puso na pagpapasasa sa m~ga tungkulin at gawain n~g m~ga nagsisiakls, sa kapakinaban~gan at kagalin~gan nilang sarili. Lumuluha ang kanyang puso. At nagdaramdam sampu n~g kanyang kaluluwa, sa m~ga katiwaliang namamalas. Hindi miminsan, at sa gayon niyang pagbubulaybulay, ay ikapit ang malaki at lalong mabibigat na pagsisi, don sa m~ga unang humawak n~g kapalaran n~g m~ga manggagawang pilipino at sa ilang humahawak pa rin at nagsisipagtaguyod kunwa sa mga ank-pawis, bago'y ang kadalasang mangyari ay sila na rin ang unaunang nagbibili at kumakalakal sa m~ga it sa maraming kilusang nangyari. At lalong malaki at napakalaking sala ang ibinibigay niya sa harp n~g m~ga napapariwarang kilusan n~g m~ga ank-pawis, sa m~ga nagbabansag na tagapagtanggol n~g malalayang karapatan n~g m~ga manggagawa at sa m~ga nagkukunwaring umakay sa m~ga ito, sa landas n~g pagkakais, sapagka't maliwanag na nakikita at nadadam sa m~ga pangyayari, na, marami pa ang panahong ginugugol nila sa pagpapalaganap n~g isang lihim na pagiimbt sa isang tungkuling inaadhika, kay sa panahong dapat gugulin sa pagiisip at paghanap n~g wastong paraan, upang ang marami at malalaking suliraning manggagawa sa Pilipinas ay malunasan. Anopa't sa ganang kanya, sa ganang kay Maurong nagdaramdam sa namamalas na kaapihan n~g madlang kilusang manggagawa, ang m~ga ito ay malimit lamang na gawing hagdanan n~g ilang mapagimbot at nagkukunwaring tagaakay nila at upang makaakyat sa tugatog n~g dan~gal at katungkulan, dan~gal at katungkulang gagamitin lamang sa sariling kapakanan at kagalin~gan. Sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni Mauro, ang asawa niyang si Serafina Halili, babaing puspos hinhin, maran~gal at matalino, na di lamang karapatdapat na in n~g tatlo nilang maliliit na ank, kundi is rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa buhay, na mula pa nang m~ga unang sandali'y nagmamalasmalas na sa anyo at kilos n~g asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa: --Bakit ka nalulungkot?--Ano ang nangyayari sa iny? May malubhang bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan?--ang sunodsunod na tanong ni Serafina. --Serafina ... Serafina ...--ang naitugon ni Mauro na hinawakan ang kamay n~g asawa--Sawing palad...! Sawingsawi ang kapalarang sinasapit n~g m~ga manggagawa! --Bakit? Hindi ba't ang kilusan ninyo ay nagkakais? --Nagkakaisa! O; datapwa't ang m~ga taksil, ang m~ga Hudas, ay siyang nagwasak at magwawasak pa n~g nalalabing pagkakaisa n~g m~ga nagsiaklas sa pamamagitan n~g ...--at si Mauro, sa laki mandin n~g pagdaramdam na sa puso niya'y tumitiim, ay napasuntok sa ibabaw n~g kanyang sulatn at tuloy na napayukayok. Si Serafina, babaing kailan ma'y di pinagmamaliwan n~g pagmamahal sa kanyang asawa, at babaing nakakikilala at nakababatid n~g tungkulin niya, sa m~ga sandaling yan ay biglang napayakap kay Mauro at ito'y pinagbiyayaan n~g matatamis na halik. --Mauro: husayin ang iyong loob; pumayapa ka, at mangyaring sabihin sa akin ang sanhi n~g iyong malaking pagdaramdam ... Titingnan ko, kung ano ang magagawa ko ... At kung, sakali mang ako sa aking pagkababai ay walang magagawang anomang tulong upang sa kasawian n~g m~ga kamanggagawa mo'y makabawasbawas, ay matulun~gan man lamang kita sa paghahanap n~g lunas. --Salamat, Serafina, salamat: at nalalaman mo na naman marahil, na ako'y walang lihim para sa iyo, kaya't makinig ka at aking isasalaysay ang lahat. Umupo ka. Si Serafina ay umupo. At si Mauro ay nagsimula. --Kaninang hapon, samantalang ang lahat at bawa't isa sa m~ga manggagawang nagsiakls ay nagkakapulong at pinaguusapan namin ang m~ga pangyayaring hinaharp, at samantalang inaasahan namin ang tagumpay na di malalaon n~g m~ga adhika namin, ay naririto, at sa pagawaan, ay nagsipasok ang iln, sa ilalim n~g pan~gun~gulo naman ni Pablo, isang manggagawang may kinalalagyang pagawaan, na nahikayat mandin n~g Tagapamahala n~g pagawan, at ito naman ang siyang humikayat sa iba. Sa ganitong pangyayari, kaming nagsiakls ay wala nang nalalabing pag-asa munti man sa pagtatagumpay; sapagka't nakikinikinita ko, na sa likod n~g taksil na si Pablo at sa likod pa n~g ilan pang nahikayat niya, ay susunod naman ang ilan pa; at sa wakas ... sa wakas n~ga, ay marahil ang lahat na Sukatin mo, Serafina, kung sa lahat nang it ay may puso akong itatagal! --Huminahon ka, Mauro, at ikaw, sa m~ga nangyayaring iyan, munti man ay walang sala; hindi ka masisisi n~g sinoman, pagka't ikaw sa iyong sarili ay walang magagawa. --Kung sa bagay, Serafina; datapwa't di ko lubos na dinaramdam ang magiging palad n~g aklasan namin n~gayon kung matalo man, kundi ang magiging palad n~g m~ga darating na kilusn. --Iya'y katotohanan; subali't taglayin n~g m~ga may sala ang parusa, subali't ikaw ay hindi; sapagka't napariwara man ang iyong magagandang layon at adhika ay paano't paano ma'y dadalhin mo sa harap n~g iyong sariling budhi ang kasiyahang loob, sa, pagkatupad mo sa inaakala mong tungkulin; at sa isang dako, ako namang asawa mo, ay lalasap n~g lalong malaking ligaya sanhi sa ang pan~galang taglay ko na ipinagkaloob mo sa akin, ay malinis at hindi nalalahiran n~g bahagya mang pagtataksil; at ang m~ga batang ank natin ay maiiwanan mo naman n~g isang karan~galang di matutumbasan n~g pilak ni n~g anomang kayamanan. Magbalik na silang lahat sa pagawaan n~g di natatamo ang tagumpay kundi ang kahiyahiyang pagkatalo; datapwa't, ikaw na asawa ko, ay hindi ko inaasahang gagawa n~g gayon, alangalang man lamang sa malinis na karan~galan na dapat mong ipamana sa ating m~ga ank. Dumating na ang hirap; dumagsa na sa atin ang lahat n~g skit at paghihikahs sa buhay kung wala ka mang pagkakitaan ay nakan~giti kong tatanggapin at ituturong tanggaping maluwag sa puso n~g ating m~ga ank. Sa gayon ay maipakikilala natin sa harp n~g kahit sino, na kung sakali mang may m~ga manggagawang pilipino na walang hinaharap ni sinisikap kundi ang kagalin~gan at kapakanang sarili, ay mayroon din namang hindi, at isinasailalim ang m~ga kagalin~gang sarili sa kagalin~gan na marami; kaya, Mauro, paghusayin ang iyong loob ... --Salamat, Serafina ... at tantuin mo, na sa harp n~g m~ga kasawiang laging inaabot n~g maraming aklasan at n~g ano mang kilusang manggagawa, ang m~ga hatol mo at pasyang binitiwan ay siya kong gagawing kalasag ... Isang tinig ang mula sa lupa ay siyang pumutol sa gayong mahalagang paguusap n~g mag-asawa. Dinun~gaw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro. Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang makiharp sa kasama ni Gervasio ... Datapwa't madali siyang nagbago n~g akala. Nararapat niyang tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung ano't kung bakit si Gervasio ay kasama ni Pablo. Sa pamamagitan ni Serafina, ang dalawa'y ipinatuloy. At nagsipanhik. =VII= Sa harp din n~g sulatan ni Mauro, pagkatapos n~g m~ga kailan~gang batian ay nagkaibayo sila n~g upo. Si Serafina, pagsunod sa isang anyaya ni Mauro, ay naupo rin sa piling nito. --An, kumusta, m~ga kasama...?--ang unang bati ni Mauro na nakan~giti--An ang inyong layon...? Nagkatin~ginan muna ang dalawang panauhin at pagkatapos ay ibinaling ang m~ga mat kay Serafina. Ang gayon ay di nalin~gid sa kaalaman ni Mauro, at nahulaan mandin ang pagaatubili n~g dalawa, kaya't muling sinabi: --Sabihin ninyo, m~ga kasama, ang sanhi n~g inyong ipinarito; huwag kayong magalinlan~gan at sa harp n~g aking asawa ay makapagsasalitaan tayo; huwag kayong magalaala ... siya nama'y mapagkakatiwalaan ... --Oh, hindi naman sa gayon!--ang sambt agad ni Gervasio. --Kung gayon ay sabihin na ninyo. At si Pablo ang nagpasimula. --Kami ay naparito, kaibigang Mauro, upang kausapin ka sa isang mahalagang bagay. --Siya n~ga:--ang ayon ni Gervasio. --Ipatuloy ninyo--ani Mauro naman. --Ang sanhi,--ani Pablo--ay upang amukiin kang sumama na sa amin sa pagpasok. --Saan?--ang nabiglang tanong ni Mauro na kumabakaba ang dibdib. --Sa ating Pagawaan--ang tugon ni Gervasio. --Sa Pagawaan natin? --O,--ani Pablo naman. Isang matunog mang "bomba" ang lumagpak sa harapan ni Mauro ay di pa marahil ikagugulat nito na gaya nang marinig ang katatapos na sabi n~g dalawa. Napatindig sa kinauupn; at noo'y ibig na sanang daluhun~gin ang dalawang panauhin upang maipakilala sa kanila ang bigt n~g sinabi; subali't nakapagpigil din sanhi sa pagaalaala sa m~ga pangyayaring di pamumun~gahan n~g anomang buti at sa pagaalaala rin naman na siya'y nasa kanyang sariling tahanan, at di nararapat na gumawa n~g anomang malalabag sa magandang kaugalian; kaya't namayapa pa rin at ang wikang kasabay n~g pagupong muli. --Mga kasama: sa inyo bagang sinabi at iniaamuki sa akin ay nalalaman ninyong may isang mahalagang bagay na napapagitna? --O, nalalman namin--ani Pablo. --Alin? --Ang aklasan. --Kung gayo't nalalman ninyo, ay anong m~ga matwid ang mailalahad ninyo sa akin upang kayo'y ayunan ko? --Ang sarili mo ring kagalin~gan--ang nakan~giting tugn pa ni Pablo. --Salamat, kasamang Pablo; pinasasalamatan ko n~g marami ang iyong mabuting han~gad; subali't ipahintulot mo, na sabihin kong hindi ko matatanggap kailan man ang anomang han~garing makapagpapabuti lamang sa aking sarili, n~guni't sa kapan~ganyayaan naman n~g marami. --Bakit mo iisipin at aalalahanin ang kapakanan n~g iba? Sukat mong alamin, kasamang Mauro, na ang inyong aklasan ay di magtatagumpay. Walang pangyayarihan kundi ang pagkabigo at pagkasayang lamang n~g panahon; kaya't bayaan mo na sila't harapin mo ang sarili mong kagalin~gan, yayamang isang pagkakatang dapat mong samantalahin ang pan~gakong binitiwan n~g may Pagawaan! --Siya n~ga naman--ang paayon ni Gervasio. --At ikaw ba, kasamang Gervasio, ay umyon na?--ang tanong ni Mauro dito. --O;--ang tugng may kasiglahan n~g tinanong.--ako'y umayon na, sapagka't nakikita kong wala rin lamang pangyayarihan ang ating pagmamatigs; tayo, sa ating kahirapan, ay walang magagawa. --Gervasio, Gervasio ...--ang ulitulit na tawag na may kahalong pagiring ni Mauro.--Hindi ko akalain, na ikaw, ikaw na inaasahan pa naman n~g marami mong m~ga kapatid at kamanggagawa sa pagtatanggol, ang siya ngayong unaunang magpapawalang kabuluhan sa lakas n~g pagiis; ikaw na pinagkatiwalaan nila n~g lahat nilang pagasa ay siya n~gayong maglalagpak sa karan~galang malinis na dapat sanang dalhin at tamuhin nating lahat sa aklasang ito. Hindi ko hinihintay, o; hinding hindi n~ga, na sa iyo'y mamugad ang isang pusong may tiwali at di wastong paniniwala. Sayang! O; hindi ko inaasahan, na ikaw pala ay may isang puso at damdaming marupok, upang huwag kong sabihing imbi. --Mauro; hindi rin naman lubos na gaya n~g paniniwala mo ...--ang nakan~giti pa ring tugon n~g kinakausap. --At ano ang maitatawag sa iyong inaasal? --Pagliligtas sa isang bagay na di katatamuhan n~g tagumpay--ang salo naman ni Pablo. --M~ga kasama; ipahintulot ninyo, na ako pa rin ay tumugon. Sa ganang akin, kailan man ay di ko magagawa ang magtaksil sa aking m~ga pananalig. Pinanaligan kong ang kilusan namin ay nararapat kong katigan at ipagtanggol, kaya naririto ako't hangga n~gayon ay nananalig pa rin, kung hindi man sa tagumpay ay sa kadakilaan n~g layon at simulaing ipinakikipaglaban. --O na n~ga--ang putol pa ni Gervasio sa nagsasalita--datapwa't ang lahat nang iyan ay kailan~gang in~gatan kung nakikitang may tagumpay na inaasahan sa huli ... --At paanong ibig ninyong makaasa sa tagumpay, kung may m~ga taksil at walang kaluluwang nagbibili sa pamamagitan n~g isang pan~gako n~g lalong dakila at mahalagang kilusan? Paanong ibig ninyo, na ang alin mang aklasan ay magwag, kung ang m~ga nan~gun~gulo at nagsisipan~gasiwa sa kapalaran at buhay n~g libolibong m~ga kapatid ay siyang unang nagsisipagtaksil sa dakilang pagiisa n~g m~ga manggagawa? Oh! hindi, makalilibong hindi. --Mauro! Mauro!--ang nagkapanabay n~g dalawa. --Ipatawad ninyo--ani Mauro--ang kaunting kabigatan n~g aking sinabi; subali't ang puso ko ang siyang naguutos; kaya't ... --Huwag kang magalaala n~g anoman--ang tugon ni Pablo.--Kung sa bagay ay dapat na sana naming ipagdamdam ang iyong m~ga binitiwang pan~gungusap; n~guni't ipinagpapaumanhin na namin, sa paniniwalang makukuha pa rin namin na ikaw ay maliwanagan, at sa huli ay makikilala mo ang kahalagahan n~g aming layon. --Salamat! Subali't, huwag na kayong magpagod--ang matigas ding tugon ni Mauro. --Alalahanin mo, na ang sarili mong kapakanan ang siyang dapat unahin. --Lalong hindi ko matatanggap ang sinabi ninyong iyan; sapagka't nananalig pa rin ako, na samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalin~gan n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas ay di isinasailalim n~g kapakanan at kagalin~gan n~g marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway n~g katubusan ay di mamamanag ... --At ikaw ba ang babago sa kapalakarang iyn?--ang nakatawang tugn agad ni Gervasio. --Kung hindi man gayon ang mangyari ay maging pasimulang hakbang man lamang sa pagbabagong buhay n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas. --Ha, ha, ha, ha,...!--ang halakhakang nagkapanabay n~g dalawa, at saka ang sabi ni Pablo: --Alalahanin mong may asawa ka at m~ga ank, na madadamay sa paghihikahos. Ang sandaling yaon, para kay Serafinang nakikinig at malaon na ring ibig na sumagt sa paguusap n~g tatlo; ang sandali n~gang yaon ay inakala niyang isa nang pagkakatang dapat samantalahin upang maipakilala sa dalawa ang kaniyang linoloob; kaya't pagkatapos na matingnan si Mauro ay boong siglang sinabi: --M~ga ginoo: Dumating ang sandali, na sa kapahintulutan ninyo at ni Mauro ay kinakailan~gan kong magsalita, yayamang nabanggit na rin lamang ninyo sa inyong m~ga pan~gan~gatwiran ang kanyang asawa't m~ga anak. Dinaramdam ko nang labis, na sabihin sa inyo n~gayon, na sa pan~galan din n~g inyong m~ga nabanggit na asawa't ank ni Mauro, ay siya'y hindi maaaring magtaksil sa kanyang m~ga pananalig. Makalilibong nanasain kong dumating ang hinuhulaan ninyong paghihikahs, huwag lamang ang sandaling siya'y matawag na taksil at mamamtay sa m~ga dakilang kilusan n~g m~ga manggagawa. Hindi namin kinakailan~gan ang anomang ginhawa, kung ang ginhawang iyan ay magiging kapalit n~g karan~galang malinis na dapat ipamana sa aming m~ga ank. Si Mauro ay hindi makagagawa n~g gayon. Ang karan~galan muna, bago ang lahat, m~ga ginoo. At ang lalaki amng hindi marunong magtanggol sa karan~galang naaapi, magpakailan ma'y busabos, alipin at apiapihan. Ang m~ga huling pan~gun~gusap na ito ni Serafina ay parang m~ga palasong tummo sa puso n~g dalawa; hindi nan~gakakibo at mandin ay nan~gatubigan sa pagkakaupo. Hindi nila inaantabayanang marinig sa asawa ni Mauro ang gayong m~ga pan~gun~gusap; m~ga pangungusap na labis n~g saklp at pat. Sa pagkabanggit nila sa asawa't m~ga ank ni Mauro ay inaasahan nilang sila'y matutulun~gan n~g babai sa paglalahad n~g m~ga katwirang sukat makapagpabago n~g loob sa hinihikayat at kailan ma'y hindi nila inakala, na si Serafina ay magkaron n~g tpang at sigla n~g puso sa paghahayag n~g m~ga damdaming pangbihira sa m~ga babaing pilipina. --Kayo po ang bahala ...--ang naitugn na lamang ni Pablo, pagkatapos n~g pagsasalita n~g babai. --Ginagawa po lamang namin ang lahat nang magagawa, upang kayo'y mailigtas sa paghihikahs--ang naisagt naman ni Gervasio. --Salamat sa inyong nasa, m~ga kasama:--ang tugon ni Mauro.--Datapwa't narinig na ninyo ang m~ga katwirang pinanghahawakan ni Serafina; at m~ga pan~gan~gatwirang lubos kong sinasangayunan sapagka't nasasalig sa aking m~ga paniwala at sa m~ga simulaing pinanghahawakan; kaya't ipatawad ninyong tapusin ko na ang paguusap na it. --Kami'y sadyang magpapaalam na naman--ang nagkapanabay na tugn n~g dalawa sabay n~g pagtitindigan. Nagkamayan at parang walang anomang nangyari sa kanila, ay malugod ding inihandog ni Mauro at ni Serafina ang kanilang tulong sa bawa't bagay na makakaya. Liban sa m~ga pusong walang anomang karan~galan, na gaya n~g taglay na n~ga n~g dalawang magkakasama, ay wala ni sinomang makalalasap sa m~ga pananalitang binitiwan ni Serafina sa pagtatanggol sa napapan~ganib na karan~galan ni Mauro, na di tatabln n~g isang malaking kahihiyn. Pagkaalis na pagkaalis n~g dalawa, si Serafina ay lumapit sa asawa; inaloalo n~g matatamis na pan~gun~gusap na sukat bagang makapagpatibay sa loob ni Mauro sa m~ga nangyayari, at sabay sa m~ga pagsasalita niya'y pinagbibiyayaan n~g matutunog na halik, halik na ginaganti naman n~g lalaki n~g gayon ding tanda n~g walang maliw na pagiibigan. Mapalad na lalaki ang magkaasawa n~g ganitong m~ga babai! At m~ga babaing gaya ni Serafina, ay bihira nating makikita. =IIX= Sumapit ang kinabukasan. Ang pagawaang pinagaklasn, nang umagang yan ay pinapasukan na n~g maraming manggagawa. Ang lahat halos n~g m~ga manggagawang ito ay pawang nan~gahikayat ni Pablo sa ibang m~ga pagawaan. At siya, si Pablo, na pinan~gakuan n~g m~ga mamumuhunan n~g kung anoanong katan~gian, ay lalong napamahal sa m~ga ito, dahil sa kanyang ginugol na sipag at tiyaga sa paghahanap n~g m~ga tao; sipag na nakatulong nang malaki upang silang m~ga mamumuhunan ay magwagi sa ibabaw n~g m~ga nagsiakls. At, ang m~ga puls, na buhat pa sa unang araw n~g aklasan ay tumatanod sa pagawaan, sa kahilin~gan n~g m~ga may-ari, ay naron pa rin at di nagsisialis. Sa may dulaang Rizal, pook na pinagtitipunan, ay nan~garoon ang m~ga nagsiakls. Ang lahat ay nakatin~gin sa maluwang na pinto n~g pagawaan, at pinagmamasdan ang m~ga lumalabas at pumapasok. At ang ilan sa kanila ay boong n~gitn~git na sumasaksi sa gayong pagkapariwara n~g aklasan, dahil sa pagtataksil n~g m~ga kapatid din nila; subali't ang lalong marami ay waring nan~gaiinggit na sa nagsisipasok. Sa lipunang ito n~g lalong marami ay pinaguusapan ang pagbabalik na sa pagawaan, yayamang wala na rin lamang magagawa, sa dahilang pinapasok na n~g marami ang pinagaklasan nila, at dahil dito ay nagaalaalang baka kung sila'y magpapaumatumat ay hindi na tanggapin n~g m~ga, mamumuhunan, at sila naman ay wala nang iba pang mapapasukan dahil sa ang karamihan n~g m~ga pagawaan n~g tabako ay inaabot n~g malaking panghihina sa kalakal. Nang m~ga unang sandali pa ay ibig na n~g ilan ang pumasok; subali't walang makapan~gahas na man~guna; ang kaunti pang karan~galang nalalabi sa bawa't isa sa kanila ay siyang pumipigil, lubha na't magunita nilang ang ilan sa m~ga kasama ay mahigpit na tumututol. It ang sanhi n~g di matuloytuloy nilang pagsasagawa n~g m~ga binabalak na panunumbalik sa Pagawaan. Subali't sadya manding masasawi ang aklasang yaon, sapagka't non, ay nagsilabas sa Pagawaan sila Pablo at Gervasio, at sa pinagtitipunan n~g marami ay nagsitun~go. Pagdating n~g dalawa ay niligid na n~g marami, at kay Gervasio ay tinanong ang nararapat na gawin. Ipinabatid n~g tinanong, na siya'y umayon na sa pagbabalik sa pagawaan, sapagka't sa ganang kanya, ay wala na rin lamang mapapala ang pagmamatigs laban sa mamumuhunan; at kasabay na rin ang paghikayat sa marami upang magsipasok na. Pagkatapos n~g ilang sandaling pagpapaliwanagan, ang lipunang yan na binubuo n~g marami ay sumang-ayon na rin sa hikayat n~g dalawa, bagama't ang lipunan n~g ilan, na binubuo lamang yata n~g anim walo katao, ay nagmamatigs at ayaw sumang-yon. Magsisialis na sana ang maraming yan upang magsisama sa dalawa, nang dumating si Mauro at siyang ikinahinto muna. Inantabayanan nilang makalapit. --M~ga kasama:--ang unang bati ni Mauro pagkalapit.--Saan ang inyong tun~go? --Sa Pagawaan--ang sagutan n~g marami. --Magbabalik kayo? at bakit?--ang may malaking panggigilalas na tanong pa ni Mauro. --Pagka't wala na rin lamang magagawa ang ating aklasan--anang ilan pa rin. --Kung gayon, m~ga kasama, ang aklasan ay tinatapos na ninyo? O;--ang sigawan n~g marami. --M~ga kapatid: Kayo ang masusunod! Kung ibig na ninyong magbalik ay hindi ko kayo pinipigilan: hari kayo n~g inyong loob. Subali't alalahanin lamang ninyo na kayo ay may malaking sagutin na dapat taglayin sa m~ga darating na araw, sa harap n~g bayan, sa harap n~g Diyos at sa harp n~g inyong sariling budhi. Gawin n~g sino man ang maibigan! Datapwa't, bumagsk sa ulo n~g m~ga may sala ang sumpa!... --Ull! Ull!--ang sigaw n~g isang tinig. Si Mauro ay napalin~gon. Sa pok na pinagbuhatan n~g gayong sigaw ay pinagalagala ang m~ga mat niya. Isang bagay ang kanyang namalas. Si Gervasio at si Pablo ay ligd n~g ilang lalaki, at ang ilang it ay nakilala niyang m~ga kaibigan, at siyang m~ga sumusunod sa madlang simulaing pinananaligan niya. Hawak n~g ilan, sa m~ga bisig ang dalawa, at anyong nagkakainitan sa paguusap. Si Mauro ay lumapit, at sa gitna ay tumayo. --Ang m~ga taong ito po ay siyang sumigaw sa iny n~g ull--ang wika n~g isang may hawak sa bisig ni Pablo, sabay n~g pagbibitiw dito. --Toto n~ga ba, kaibigang Pablo, na ikaw ang sumigaw?--ang nakan~giti pa ring tanng ni Mauro. --O; an ang ibig mong gawin?--ang may pangdidilat pang tugn ni Pablo. --Wala--ani Mauro pa rin n~g boong kalamigan.--Subali't, an ang dahil at ako'y tinawag mong ull? --Sapagka't ibig namin--ang tugn naman ni Gervasio --Ull ka n~ga at sampu n~g iyong m~ga kasama--ang sigaw pang muli ni Pablo. Sukat it, upang ang higing n~g isang malakas na suntk na lumagpag sa mukha n~g isang tao, ay marinig n~g lahat. Nagkagulo; at ang munting lipunang yaon ay nagpanuntukan. Subali't ilang sandali pa at ang panuntukang yaon ay naging panglahat. Ang pangkat n~g iiln, na kinabibilan~gan ni Mauro, ay nagigitna sa pangkat n~g karamihan na kinabibilan~gan naman nina Pablo at Gervasio. Sigawan at panakbuhan n~g m~ga babai at in~gay n~g m~ga nagaaway ang siyang sa m~ga puls na bantay sa Pagawaan ay nakapagpadalo. At ang lahat ay ibig na magpulasan; subali't hindi nagawa, sanhi sa pagbabala n~g m~ga tanod n~g kapayapaan. Nang magkahiwahiwalay ang dalawang pangkat, ay dalawa ang may sugat sa bisig at dalawa naman ang nakatimbuwang na naliligo sa sarili nilang dugo ang nakita n~g lahat. Si Mauro at isa pang kasama nit ay siyang may m~ga sugat sa bisig at ang dalawa namang nakatimbuwang ay dili iba't sila Gervasio at Pablo, na kapwa may sugat sa dibdib at sa mukha.... Sa gitna n~g gayong paglalaban ay si Mauro ang siyang unang tumanggap n~g isang saksak na sa dibdib sana niya umabot kundi natutuhang salagin n~g bisig na kaliwa, kaya't ito ang nasaktan din naman n~g malaki. May sugat na si Mauro; subali't gayon man, ay hindi rin nasira ang loob; kaya't nang makita niyang ang may patalim na kanang kamay ni Pablo'y babagsak na muli sa kanyang katawan ay maliksi at kasingliksi mandin n~g lintik na sinagupa ang kamay na mamamtay at mahigpit na hinawakan. Nagpan~gagawan sila sa patalim, at sa kabutihang palad naman ni Mauro ay nakuha sa kamay ni Pablo ang kortapluma. Ang dugong umaagos halos sa sugatang bisig niya ay siyang nakapagpadilim sa m~ga panin~gin ni Mauro; umakyat halos sa kanyang ulo ang dugo at siyang nakapagpasubo sa malamig niyang puso ... Kinakailan~gan na niya ang magtanggol, upang mailigtas ang sariling buhay na sa m~ga sandaling yao'y sumasapan~ganib. Kaya't pagkapasakamay niya n~g patalim na hawak ni Pablo ay maliksi na rin sanang itatarak dito; subali't isa pa ring bisig na may patalim ang namalas niyang lalagpak sa katawan niya, kaya't it na ang hinarp; si Gervasio naman ang kanyang pinakipagtunggalian. Sa pagsasagupaan nila, sa unang saksak na ibinigay in Gervasio, si Mauro ay nakailag; kaya't lumihis ang saksak na yaon. At pagkatapos, si Mauro naman ang gumanti. Sa dibdib ni Gervasio, at sa dakong susong kanan, ay doon tumarak ang patalim ni Mauro. At sabay sa pagbagsak n~g duguang katawan ni Gervasio ay lumagpak din naman ang katawan ni Pablo sa isang saksak na ibinigay n~g isang di nakilala. At ang lahat ay naganap sa loob n~g isang kisapmat lamang. At nang ang m~ga puls ay dumating, nakita pang hawak ni Mauro ang naagaw na kortapluma at puno n~g dugo. Pinabitiwan sa kanya n~g puls ang hawak at siya ang unaunang binantayan. At sunod sa kanya ay ang lima pang kaayon ni Mauro, na ipinagturo n~g m~ga kasama at kapanalig nila Gervasio, nang ang m~ga ito'y ligid na rin n~g ibang puls na gumibik. Dalawang "ambulancia" ang dumating na maliksing tinawag n~g isang _detective_ at sa isang laan sa m~ga may sugat ay doon isinakay ang m~ga ito, at sa is pa ay ang m~ga malalakas naman ... Kakilakilabot na bun~ga n~g di pagkakaunawaan n~g m~ga manggagawa sa kapwa manggagawa...!! =IX= Tatlong buwan ang lumipas buhat nang m~ga huling pangyayari. Sa tulong n~g malaking pagsisikap n~g m~ga manggagamot, ang buhay nila Pablo at Gervasio ay nailigtas sa kamatayan. At si Mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos n~g may mahigit na isang linggong paggamot sa m~ga sugat nila, ay mayroon nang dalawang buwan naman sa Bilibid, na naghihintay n~g araw n~g paglilitis. Ang ilan sa m~ga kasama pa nila ay pinakawaln na ring matagal, pagkatapos na makunan muna n~g ilang; m~ga tanng na siyang ihaharap na, saksi sa araw n~g paglilitis. Ang ilan sa m~ga kasama naman nila Gervasio at Pablo ay gayon din; ang m~ga sagot nila at salaysay, ay siyang gagawing katibayan naman n~g paguusig sa sakdal na nalalaban sa dalawa ni Mauro. ...................................................................... ...................................................................... ...................................................................... ...................................................................... Ang araw n~g paglilitis ay sumapit. At ang maluwang na bulwagang yaon n~g Hukumang Unang Dulugan ay napuno sa dami n~g taong nanod n~g paglilitis. Si Serafina, asawang kulang palad ni Mauro at sampu n~g tatlong ank nila ay kasama sa Hukuman, upang makita man lamang at makausap ang asawang sa loob n~g panahong ikinapiit muna sa Bilibid ay hindi man nangyaring kausapin. Sa Hukuman n~ga ay doon niya pinaroonan, nang malamang sa araw na yaon gagawin ang paglilitis sa kanyang asawa. Sa pamamagitan n~g m~ga abuloy na tinanggap niya sa maraming kaibigan at kakilala nilang mag-asawa, at gayon n~g buhat sa m~ga kamaganakan nila, ay nangyaring si Serafina ay makakuha n~g isang _abogado_ upang magtanggol sa usapin ni Mauro sa harap n~g Hukuman. Sa harp n~g kagalanggalang na Hukom ang lahat n~g kailan~gan ay ginawa at isinakatuparan n~g Tagausig-sala, at gayon din n~g Tagapagtanggol sa dakong nauukol sa kanyang tungkulin ... Ang paglilitis ay natapos. Subali't ang Hukuman ay hindi nagpasya. Ipinagpaliban ang kanyang hatol, upang sa mataman niyang pagsusuri ay idaan ang lahat. Ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si Mauro at si Serafina, ay maraming pagod muna ang ginugol n~g m~ga bantay; sapagka't si Serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na non ay isasakay uli sa "ambulanciang" naghihintay. --Katitis ka, asawa ko...!--ang habol pa ni Mauro kay Serafina nang sumasaky na sa "ambulancia." --Mauro! Mauro!--ang sigaw naman n~g kaawaawang babai. --Tatay!! Tatay!!--ang habol naman n~g m~ga ank. --Huwag kayong man~gahapis!--ang sa wakas ay nasabi na lamang ni Mauro sa boong pagdaramdam. At ang sasakyang ay matuling tumakbo. At si Serafina at ang kanyang m~ga ank ay nagsiuwi na rin. Kaawaawang magiin!! * * * * * Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim. At hindi lamang yaon. Kundi ang may pagawaan, sa pagsasamantala marahil sa gayong m~ga pagkakataon na walang magagawa ang alin mang kilos na gawin n~g m~ga manggagawa nila, ay ipinagbawal pa sampu n~g pagtatatag n~g anomang kapisanan sa loob n~g pagawaan. Ibinaba pang muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa't "vitola" at ang lahat nama'y walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima sa gayong m~ga bagong utos at kapalakarang pinaiiral n~g may pagawaan. Silang lahat ay walang magawa. Sapilitang sumailalim sila sa lahat n~g bagay na magalin~gin n~g puhunan ... Ang pagsisisi, ang paghihimutk n~g lahat at pagsusumpaan ay dumating. At ang lahat sa katayuan nila n~gayon, ay nagbibigay matwid kay Mauro sa m~ga pagmamatigas nito non, at sa lahat n~g m~ga ginawa niya sa pagtataguyod n~g aklasan. Subali't ang lahat ay huli na. Nagawa na nila ang malaking pagkukulang; naganp na ang napakalaking pagkakasalang magagawa n~g sinoman sa harp n~g isang dakilang layon at adhika. N~gayon nila natutuhang panghinayan~gan ang m~ga pagsusumikap ni Mauro...! Oh...! Ang pagsisising Hudas ay sumapit na sa m~ga taksil at walang pusong m~ga manggagawang yaon! Datapwa't wala na silang magagawa! ....................................................................... ....................................................................... ....................................................................... ....................................................................... At ang araw n~g paghatol ay dumating. At ang minarapat n~g Hukuman, pagkatapos na mapagaralan n~g bong pagiin~gat ang m~ga pangyayari at naging sanhi n~g sigalot na namagitan sa nasasakdal at ang pagkakasugat nit sa dalawa, ay ipinasyang mabilanggo n~g siyam na buwan at isang araw si Mauro at ang kanyang kasama ay tig-aanim na buwan naman. --Siyam na buwan at isang araw!--ang napabulals na sabi ni Serafina, pagkarinig sa hatol, at sabay na nanan~gis. --Huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan n~g araw na ipaglulumagak ko sa bilangguan ...--ang wika ni Mauro sa kanyang asawa sa buhy na tinig--alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang simulain ang ipinagtatanggol natin, at ang simulaing it, sa malao't madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw n~g lahat. Sa harap n~g m~ga bats ay maaaring ako'y nagkasala; datapwa't sa harp n~g aking bayan at sa harp n~g aking budhi ay malinis ang aking pagkatao ... --Mauro! Mauro! Ang m~ga ank mo!--ang panan~gis ni Serefina. --Sa iyong katalinuhan ay ipinagkakatiwala ko sila. At non din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang m~ga ank niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na _ambulancia_.... At mula non si Mauro ay naging isang bilanggo. Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya. Oh, ang tadhana! At si Serafina at ang tatlo niyang ank ay sumakay sa isang karumata at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga ank ang m~ga pan~gun~gusap na it: --M~ga ank ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang ang inyong am ay makalaya. Siyam na buwan at isang araw na pagtitis at pan~gun~gulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop. Subali't, ang takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na kinabibilan~gan n~g inyong am, at karapatang siyang ninanasang ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon n~g kanilang ganp na pagkatubs ay malayo pang sumapit sa kanila. Kinakailan~gan pang magkaroon n~g maraming magtitis n~g hirap sa ikatutubos n~g lahat, at kailan~gan pang magkaroon n~g maraming Kristong magpapakaskit sa katubusan n~g madla. Sa mapupun~gay na m~ga mat ni Serafina ay dalawang masaklp na luha n~g pagdaramdam ang nagunahang sumun~gaw. Pinakayaps na mahigpit ang tatlo niyang ank at pagkatapos ay pinaghahagkan n~g boong giliw at boong pagmamahal. WAKAS MGA MALI SA PAGKALIMBAG Mukha: Talata: Nababasa: Dapat Basahin: XI 2 kahaln laga kahalhalag XI 5 nnoman anoman 1 7 matanda't bata matatanda't bata 14 2 Botika Morelos. Botika Morelos 14 6 n~g dako n~g panulakan dako n~g panulukan 24 2 n~g laha,. n~g lahat. 24 3 tumaganap lumaganap 24 12 n~g gayon n~g gayong 24 13 tumayo at tumayo 24 21-22 katahimikan. katahimikan 25 9 upang kalamigang upang ang kalamigang 30 22 manggawa magagawa 31 3 nakabuks ang nakabuks 32 12 u~g boong katawan n~g boong katawan 49 11 nay Pagawaan may Pagawaan 55 17 at kung kahit at kung bakit 61 8-9 itaitagal itatagal 63 12 gagagawing kalasag. gagawing kalasag. 63 16 Dinun~gaw si Seraflna Dinun~gaw ni Serafina 64 7 ipinatuloy pinatuloy. 71 7 naguntos; naguutos; 77 15 ikabaw ibabaw 79 1 tabakero tabako 80 24 Kun gayon, Kung gayon, 81 12 sumpal!... sumpa!... 81 16 aag ang 94 1 sisanabi sinasabi _Mga Aklt ng Sumulat Nito_ "Bagong Magdalena"...............P 0.20 ang is "Sakim na Magulang!"............ 0.40 " "Lalaking Uliran" Tulisan?.... 0.40 " [Patalastas] End of the Project Gutenberg EBook of Isa Pang Bayani, by Juan L. Arsciwals License: Share Alike