Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] ANG KATIPUNAN ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI TUGMA NA SINULAT NI Gabriel Beato Francisco Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896 ICATLONG CASULATAN MAYNILA Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo. 1899. =Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental= Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay, Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque, Sampalok. * * * * * Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang ANG KAPATID NANG BAYAN. =UNANG BAHAGUI= Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan nang cahoy na lanca sa may mga buga at bagin na sagana sa baguing na cun tatanauin sa ibaba ay may lansagan. Pagcahaui nang telon ay aauitin ang _CANTO NACIONAL FILIPINO_. * * * * * =Msica.= Ina naming Filipinas sa sandaigdiga'y hayag, ang cayaman at dilag ualang sucat macatulad. Iyo namang caanacan lahing sadya cung sa tapang, di natatacot mamatay at marunong magsangalang. Caya cayo lilo't tacsil na castilang sinugaling, dapat bayaran sa amin inyong mga pag alipin. Lalo ang mga sucaban na fraileng tampalasan, gayon ay capanahunang magbayad sa mga utang. Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca paguiguitna ang calahatan. =Hablado.= Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idng at ilang mangluluas ng gulay, na umaauit hangang tumatacbo. UNANG DIGMA Sila rin JOSEFO.--Hali ... mga ale!... LUSINO.--Dal ... mamang cun!... KALINT.--Magsihimpil cayo!... (_ang katipunan ay naguupuan sa lilim ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan_) --cami'y balitaan!... mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay caya caya'y nasundan?... TOMASA.--Uala po!... (_gulat._) JOSEFO.--Uala! (_uurong at bubunutin ang sundang_). TOMASA.--(_gulat_)--Uala po!... JOSEFO.--(_magara_)--Uala baga sa boong paglacad cayong naquiquita. (_hahakbang_ ...) TOMASA.--Uala po!... IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_) JOSEFO.--!Maguing sa Barranc at mga pilipil na daanan nila!... TOMASA.--Uala po!... IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_) JOSEFO.--(_paiquit_)--Cun gayo'y caigat yaong mga lilo, tacsil, buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac. TOMASA.--Ina co! JOSEFO.--Icao ay inan at na paina!... LUSINO.--- Magsilacad cayo at huag magamba at hindi aanhin naming magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya. TOMASA.--Cun gayo'y salamat!... IDENG.--Cami po'y paalam!... LUSINO.--Dios ang mag-in~gat sa boong lansagan. (_Lalayo ng caunti_) JOSEFO.--Catoto!... catoto!... sabihing maghintay at tayo'y humigi ng canin at ulam. LUSING.--Mga aling cuan!... magag hintay cayo!... KALINT.--Dulugu.... LUSINO. (_lalapit_)--Ibab ... sunong na bilao at cami'y iuanan ng itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo. TOMASA. (_Ibababa_)--Cayo po'y cumuha KALINT.--Iuan na ang lahat. LUSINO.--Huag baga naman at cahabag-habag (_sa cay Tomasa_) --Ito'y quilala co na maraming anac (_sa cay Ideng_) --Si comare naman ay may amang bulag. JOSEFO. (_Cucuha sa bilao_)--Maraming salamat!... salamat sa inyo!... TOMASA.--Cami'y lalacad na. KALINT.--Magag tuling cayo. (_Muling lalacad ang mga manglalac._) ICALAUANG DIGMA Josefo at Lusino. JOSEFO.--Hindi nauucol cagino mang tauo balamin ang duk-hang may laco sa ulo. LUSINO--Ano ang gagauin!... tayo nama'y uala ualang maibili at ualang masila uala naman tayong sucat na magaua sa mga mayamang lubhang masagana. Caya ang marapat ating pagtiimin bagang at panigbi na nagcacadiin ang gauang masama na masamang gauin ay ipaquibilang sa gauang magaling. Yamang na rito na sa gals at gulod na guinagalaan mailap na hayop ang ating catauang sa palad ay capus at hindi na mulat sa gubat at bundoc. At cun tayo naman ay magpapabaya sa lagay na yari na caaba-aba ating tatamuhin sa guinala-gala lasapin ang dalo'y malamig na luha. At sa abang anyo di co acalain matuyo ang dam na lagui sa lilim uala namang inot, usala namang cusim at ualang masabing nag gauad hilahil. Liban sa nangyaring aco ay natacot sa uns ng bagyong nacaquiquilabot caya sumaisip na bago macurot pailanlang muna sa patoc ng bundoc. At cung naacalang tutubo sa cutad ang binhi ni ama sa punlang sincamas daco aabutin ang pagcabagabag at di sasapitin ang ganitong hirap. gayon co dinamdam ang saquit ng bato cun tumitimo na sa talampacan co gayon na danasan pagtulog sa cubo at gayon lumacs ang aquing pagtacb. JOSEFO.--Aco caya naman dito ay sumapit dahil sa hicayat ng isang caibig ang mga tinuran ay napacatamis at macahihibo sa pusong tahimic. Aco na ga sana'y di maniniuala sa mga tinuran at isinalita. LUSINO.--Baquin ca na tagay ng dagta ng lanca? JOSEFO.--Dahil sa mabago ang buga sa lupa, Na dili umano pilit magbubuig dito sa Maynila puno ng lansones cahiman bumaba hangang himpapauid hindi tutulutan ng nunugong lagit. Na ang ibubuga maluoy sa uica malunot sa sabi't mahulog sa lupa caya mag tatamo ng mga biyaya ang baua't maglinang sa mga tumana. At saca ga gayon uala cahit isa ang mayroon pusil at may escopeta ualang cigarrillo, uala namang cuarta at ang cabuhaya'y lanta pa sa lanta. Caya ang marapat oh piling catoto.... tayo ay sumagui sa may Ermitao cun dili naman at loloobin mo tayo ay pumaroon sa Byac-na-bat. (_Muling magdadaan ang mga mangluluas ng gulay._) ICATLONG DIGMA Lusino, Josefo, Kalingtong, Tomasa, Ideng at ilang maggugulay gaya rin nang una. LUSINO.--Tigni ... mga mam!... JOSEFO.--Masdi ... mga ali!... ang napadaluhong sa pagca lalaqui cung mayroon muk-hang ipagcacapuri sa Dios, sa patria at tauong marami. Caya ang marapat mga mamang cuan ang itapong tigin cami'y balitaan ng inyong naguita sa buong lansagan mula sa cay Cubau at ibang daanan. TOMASA.--Uala pong balitang sucat na masabi liban na sa tugu na na ipagbili ng higuit at labis sa halagang dati sa daan, sa bayan at hangang palenque. LUSINO.--Ali!... hindi yaon ang ibig na turan ng aquing catotong cadugtong nang buhay. TOMASA.--At ano pong bagay? LUSINO.--Cami'y balitaan, tuncol sa sundalong inyong na daanan. TOMASA.--Mayroon po LUSINO.--May sundalo ga po baga? TOMASA.--Siya ga po! at na sa Baranca nagag-uupuan ang magcacasama at na sa cay Cubau ... ang canyo't bandera. LUSINO.--Cun gayon catoto ay atin munang lisan ang puno ng lanca't masayang batisan ng upang tamuhin ang pagtatagumpay sa bala ng mauser at iba pang bagay. JOSEFO.--Cun siyang magaling.... KALINT.--Abata catoto!.... at narito na daw civil at sundalo may canyon, bandera pimpiang at bombillo. LUSINO.--Ano ang pasiya? JOSEFO.--Magcubli na tayo sa gulod at galas mga cagubatan LUSINO.--Ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at civil na hunghang. IKAAPAT NA DIGMA Saca ang pinunong matapang sa patay. JOSEFO.--Tanaui!... tanaui't di pa gumiguit pugapong sa gubat at viga sa lati ang mga sundalo'y nagcaguiriguiri ng pagtatacbuhan sa lunga'y pag oui. Sinong mag-acalang ang tayog ng labong tumugo sa lupa ng uala pang dahon!... baquin caya baga biglang nalingatong lahat ng casador ng ualang dagundong? KALINT.--Marahil ang supot na pinag lalagyan ng bala't plvorang ipinamamayan ay pun ng ab't ualang ilalaban sa ating sundalo at bayaning cawal. JOSEFO.--Di cung macaharap at tayo'y maquita marahil ang tacbo ay laong lalo na at ang masaguiang tauo, cahoy, vaca mamatay sa ihet at sa pagtataua!... Hindi co masabi na sa pagcaduag sa macacalaban na uala pang armas sa catacutan na baca mautas ang hinigang tan~gan nacacauag-cuag!... Sa pagcat ang guilas na ating quilala sa mga castila na magcacasama higuit sa bayani at lubhang bihasa sa paquiquidigma at paquiquibaca. At saca ga gayon ganito ang tacot sa mga calaban na na sa tugatog. KALINT.--Caya ang marapat ihigi cay Santos ng bala at plvora ang broc ng itlog. LUSINO.--Baquin caya baga ninasang mag tago sa bagin at gubat ng higuit sa pugo. ICALIMANG DIGMA Josefo, Lusino at Kalintong JOSEFO.--Dahil sa balita na biglang lumago sa pitak ng dibdib at na abang puso. LUSINO.--Ang magaling nito tayo ay gumaua muog na mataas, matibay na cuta sa tabi ng daan at piling ng langca ng may pagublihan ating mga digma. Ng hindi maganib sa tunog ng canyon agil ng mauser, siclab ng remington sadyang pagtibayin at sa mga burol ay may daang lihim na di manunuynoy. JOSEFO.--Maiguing acala. LUSINO.--Caya ang magaling barreta at pala gayon din ay cunin sa _Real batera_, at, ang unang hucayin ang baybaying yaon. (_ituturo_) JOSEFO.--Dito ipapaling Pagcat may lusutang bagin at batisan sa luasan at hulo, sa caliua,t, canan at may mga cahoy na lubhang malabay na macalililim at may tatanauan. Caya ang mainam ay mayroong isa sa cahoy na ito na may larga-vista ng upang mamalas at caniyang maquita lahat ng darating na macacabaca. Ang tatanod dito ay cung bababa man ay pahahalili sa isang matapang na di natatacot sa mga asuang diwata at tictic, nuno,t, mangcuculam. LUSINO.--Cun gayon catoto iyong ipag-utos sa mga bataang ganap na sumunod. ICAANIM NA DIGMA Sila rin, si Tib at ang cawal. JOSEFO.--Nagasaan cayo? TIB.--Cami po'y lincod sa lahat ng bagay na maipag-utos JOSEFO.--Ang tactac at punque, pala at barreta ay inyong caunin na magcacasama tuloy na ilaquip ang palihoc at caua ng may paglutuan itong ating tropa. TIB.--Sa lilim nang atas cami,i, uma ayos (_aalis_) KALINT.--Cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno cayo,i, mga tampoc at ang mga butse'y humiguet sa manoc. IKAPITONG DIGMA Lusino, Kalingtong, Tib at ang cawal. TIB.--Nagagsidating po ang pinag-utusan. LUSINO.--Ang burol na yaon ang siyang tayuan ng muog at cutang macasasangalang sa hocbo at digma ng lahat ng caual. JOSEFO.--Sumulong na cayo,t humucay ng balon, gumaua ng lapt, tumaga ng cahoy, magsal ng patpat, ang bato'y ubunton ng hindi masira sa bala ng caniyon. Subu'i! datapua!... (_lalabnutin ang buhoc_)--ualang magagaua!... huag sasayagin ang ating adhica!... huag acsayahin pagod sa acal ng macapagtayo ng muog at cuta!... Cun ang itutulo ng pauis sa hucay ng sanc sa cuta ay maipagpantay ng bundoc at burol na matataniman ng caf, abac at ibang halaman? Di caya mag-ani ng maraming pilac mahitic na puri't masaganang hiyas at sa haharapi'y ating mamamalas ang buig ng tua sa saga ng galac? O cun dili caya'y ating ipagtanim sa buquid, tumana at mga caigin ng palay at tub, be, gabe,t sguing sa taong susunod daming aanihin. At sa haharapin, isang piquit-mata ay may titibaing puno ng abac may buga ang caf't ang puno ng manga ay hitic na hitic ang lahat ng saga. Subali sa cuta mataas na muog pagod, camatayan siyang mapupulot at ang pita't dadalhin ng culog sa gals at parang, gulod at tugatog. guni! guni! guni! (_labnot din ang buhok_) ito ang magaling higuit sa halaman ating aanihin walang paginoong aalinsunurin at ualang castilang sucat umalipin. ICAWALONG DIGMA Josefo, Lusino, Kalintong, saca si Tib at ang cawal JOSEFO.--Maa gaano caya ang taas at capal ng cutang na tayo sa may calunuran. LUSINO.--Ac ay tatauag sa nagag huhucay ng upang mataho,t, ating maalaman (_Hihipan ang silbato lilitao si Tib_) TIB.--May ipag-uutos! JOSEFO.--Naglagay ng pinit na sucat lusutan ang hagin at inet cun baga sumagui ang mga balauis sa maog at cuta at mga belenes? TIB.--Opo!... JOSEFO.--Mayroon gaano ang capal at taas ng cuta sa may calunuran? TIB.--Higui't tatlong vara't ang mga cauayan ay may isang metro ang baon sa hucay. JOSEFO.--Cun gayo'y hauanan ang dacong itaas at saca patayin ang maquitang landas. LUSINO.--Ng upang mdali caunin ang lahat na na aamulan sa punong bayabas. KALINT.--Sulong na!... maglicsi!... haluan ng tacbo. TIB.--Cayo'y aquing lisan!... KALINT.--Lumacad na cayo!... ICASIYAM NA DIGMA Sila rin. JOSEFO.--Capag na ibagon ang lahat ng ito may catatagan na ang mga sundalo. At di magagahis cahit pag-ubusan ng maraming tucso na ating calaban at di mapapasoc saan man magdaan ang mga castilang tunay na caauay. Liban cung magahol sa tinga't plvora at sa ... cani't ulam cung nag babaca na subali sa tapang na aquing naquita itac ay catimbang ng mauser nila. At cun dili baga pauang magagaling ang mga sundalo at bataan natin ang guloc at pisao na taging patalim di maisusuro sa bala ng mauser. Sa pagca't maicli't macaaabot sa caya ng mixtong malacas sa culog matulin sa quidlat at cung macatuhog ang pambugang mansa'y caquilaquilabot. Subali ang mixtong aquing isinaysay at ang licsi, lacas, dahas, catapagan capag sinarili at pinanghauacan pilit magagahis ng macacaauay. Caya ang marapat sa pagcat uala na tayong gagamiti't gagauing sandata liban sa itiric ang dalauang mata sa nunugong lagit at daquilang gloria. At sa Dios Ama at Divino Verbo sa Vrgen Santsima at lahat ng santo ating idalagin ang lahat ng ito cahimanauari tayo ay manalo. LUSINO.--Ang mauiuica co at maisasaysay sa iyo catoto't piling caibigan hangang masagunson bala ng calaban mga bata natin padapain lamang. Saca cung lumalo putoc na sagunson isibasib nila tabac na pang-lulong hangang sa tumach yaong mga buhong huag ititiguil ang tagang palacol. JOSEFO.--Gayon ga ang gaua!... caya cung uariin ng aquing pasiya, puso at panimdim mga buhay nilang catulad ng atin iniaalay na sa mga patalim. At sa camatayan na lilibot-libot sa bundoc, sa bayan at mga alaboc na di tumitiquil sa mga pagdampot sa buhay ng tauo na guising at tulog. LUSINO.--Ang sa aquin naman na pagcacamasid sa mga caauay:--cun ano ang bilis ng bala ng mauser, gayon din ang inet ng gato't pag ilas sa lauac ng buquid! KALINT.--Tunay caya baga lahat ng sinaysay ng mga catoto't aquing caibigan marahil ay hindi!... pauang cabambanan at ang ibang turing ay capalaluan!... ICASAMPUNG DIGMA Sila rin, saca si Tib at ang cawal. TIB.--Inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang mainam ang pagcacaayos. JOSEFO.--Tunay? TIB.--Tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal, catulad ng gulod. JOSEFO.--Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco ang lahat ng cawal na doo'y dumal dalhan pa ng alac na na sa sa frasco Jerez, Manzanilla at anis del mono. (_Ipagcacaloob sa cawal ang lahat ng it_) TIB.--Salamat! salamat! KAWAL.--Mabuhay! mabuhay! ang ating pagulo at bunying general!... KALINT.--Hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong gagauin magpacailan man. JOSEFO.--Yamang na bagon na ang muog at cuta ng magcacapatid na aba at duc-ha sa awa ng Dios at Poong daquila na dunong tumigi't paham cumaliga. Tayo namang lahat magtica't manalig sa lahat ng santos at mga angeles ng upang abutin ang pita at nais sa dacong ibayo ng mga paganib. LUSINO.--Ang lalong mabuti tayo ay maghalal isang pintacasing madadalaginan sa lahat ng oras at sa paglalaban ay iadya nau sa mga caauay. JOSEFO.--Cung gayon ang dapat ang ibunyi natin angel ng prncipeng San Miguel Arcangel ang siyang ihayag sa puso't panimdin at siyang daigan saan man pumaling. Sa pagcat ang tapang ng principeng bunyi sa lagit at lupa ay di nagsagabi at sa paglilincod sa Hari ng hari palalong si Luzbel ay inalugami. Sa hirap, sa hapis at sa caabaan at pinagpagdusa caloloua,t, catauan sa alab ng apuy at sa casanaan punong sinusunod noong mga hunghang. Na mga demonio. KALINT.--Mabuti!... LUSINO.--Magaling!... KALINT.--Maigueng pasiya ... at sa anting-anting na aquing inigat ... na aayon mandin!... ang magandang atas dapat nating sundin. JOSEFO.--Cun ang pasiya co ang paaayunan si Chito ang ating suutan't gayacan sa pagcat ang sabi at uica sa tanan siya'y may daluping pinanghahauacan. Na cun ga totoo ating masusuboc sa paquiquibaca at paquiquihamoc sa loob at labas ng alin mang muog. CHITO.--Sa bundoc, sa bayan, sa lupa't sa dagat cun sa aquing galng sila'y magugulat sa hacbang, sa uacs, sa acma't pagdilat ng dalauang mata ...! yao na ang quidlat. Na aquing dalupi at ang anting-anting cun siyang umiral ay lalong magaling dahil sa itaas, boong pagonorio ay malalaro cong catulad ng hagin. KALINT.--Marahil totoo,t may catotohanan ang mga sinabi nitong caibigan. LUSINO.--Ng ating masuboc gayon din suutan saca paliparing tulad ng asuang. ICALABING-ISANG DIGMA Sila rin. JOSEFO.--Hayo na! gayon din!... Icao ay magsuot ng gayac Arcangel, prncipe ng Dios ng upang magligtas ang boong tugatog sa bala ng Mauser at mga dayucdoc. (_susu-utan_) CHITO.--Sa aquin ay bagay ang gayac na ito. KALINT.--Di nababagay sa iyong pagcatauo. CHITO.--Baquin baga hindi ibig na catoto?... KALINT.--Dahil sa caduagan at icao'y tatacb, sa siclab ng gato at haguing ng bala at sa maaamuy baho ng pulbor lalo kung sacsaquin ng macacabaca. CHITO.--Di baga talos mo na di nagugulat sa tonog ng culog at ningning ng quidlat at di natatacot sa macacalamas na may itc, pusil at anomang tabac? KALINT.--(_Sa calahatang tauo_) Matindi ang cbag nitong si catoto!... at masamang hagin ang na sa sa ulo! CHITO.--Ng iyong masuboc mga sinabi co damputin ang pusil ... subuquing totoo!... KALINT.--Ibig mo CHITO.--Subuquin cung iyong tatablan ng tag at sacsac at balang maagal. KALINT.--Cung lumilipad na iyong mga bagang mangyayari caya muli pang mabuhay? CHITO.--Huag ang catauan ang iyong subuquin cung mayroon tacot hinayang sa aquin ang iyong unayan ng tagang madiin itong baluti co na may anting-anting. At cung hindi tablan ng taga at sacsac ay iyong barilin ng sa boong dahas ng upang matalos ang buti cong hauac at ng maniuala ang macamamalas. KALINT.--Tignan co! tignan co! aquing susubuquin ang daluping ito na lubhang magaling ng nawa'y mahaui ang dauag sa bagin na nacasusucal sa iyong panimdim. (_Tatabanan ang pusil at ang dalupi ay ilalagay na mabuti at saca gagauaran ng putoc. Pagcahaui ng tunog ay tataua at sasayao si Chito sa pagcat hindi tinablan._) CHITO.--Cahiman mag-ubos ang galing at buti hindi magcacagahi ang pagcalalaqui di magugutlian ang taglay na puri di masusugatan ang pagcabayani. KALINT.--Diyata! diyata! hindi co tatablan ang daluping itong ualang cabuluhan asahan catoto ab na gang tunay itong baluti mong pinacacamaha. (_Muling gagauin ang pagsuboc, pasayao at pagtaua ni Chito._) LUSINO.--Aco ga! aco ga! ang iyang susuboc sa anting-anting mong pina-iimbulog. CHITO.--Sa iyo'y sucat na ang galing sa bucboc at mul sa lamgam, maliit na lamok. (_Itatago yaon, hahalinhan ng ibang balut at sa pagpipilit ni Lusino na yan din ang caniyang masuboc ay aabutin ng pagbababa nang telon._) =ICALAUANG BAHAGUI= Mga katipunan: ang ilan ay naglilinis ng pusil, ang ilan naman ay nagsasayauan at nag-aauitan at ang ilang babaye ay naliligo sa batis. =Hablado= UNANG DIGMA Si Chito ay gayac lacayo, caya ga ang cuaco at calicot ay capua biyas ng cauayang malaquit at papasoc ng papatacbo. CHITO.--Magsiquilos cayo at nagarito na culog sa Cartago at lintic sa Grecia. (_Magugulo ang sayauan._) LUSINO.--At saan na roon? CHITO.--Sa Real batera. (_Ang putucan ay maririgig mula sa loob._) LUSINO.--Tauaguin sa batis ang mga babaye. KALINT.--Ano? LUSINO.--Caunin mo ang sinta co't casi na na sa batisan casama ng ale at dalauang bata na capua lalaqui. JOSEFO.--(_Papasoc na nag-cacandarapa_) Magmadali cayo at nagarito na ang mga sundalo, casador at guardia ang na sa cataua'y mauser at pistola mayroong msico, tambor at corneta. DMASA.--Ina co! DORAY.--Ay Dios! JOSEFO.--Huag cayong matacot huag pahinain ang sariling loob sa nayon, sa bayan, sa parang at bundoc ay may camatayan na lilibot-libot. KALINT.--Sulong na! (_Cay Dmasa_) DMASA. (Sa mga bata)--Mag-madali, mga anac co tayo'y aabutin ng mga sundalo DORAY.--Ang aquing blanquete! IDENG.--Ang aquing postizo. CHITO.--Ang aquing calicot!... at ... ang aquing cuaco KALINT.--(_Sa mga babaye_) Anong na isipa't, cayo ay sumunod sa hihip ng hagin na mul sa timog? CHITO.--Dahil sa ... panibugho at sa pagseselos at ang calandian ay dalhin sa bundoc. DORAY.--Oho! CHITO.--Tila hindi!... KALINT.--At saan pa baga? CHITO.--Sa panibugho ga sa sintang asaua (_Putucan sa loob ng digmaan, si Doray ay magtatabon ng layac_). DMASA.--Lusino! Lusino! nasaan ca baga? icaw ay umilag sa ulan ng bala!... Lusino! Lusino! cami ay itago sa cugon, talahib at layac na tuy. LUSINO.--Dito magsihiga!... sa pagcat malag ang luya luyaha't naglauit ang dapo (_Putucan_). --Subsob na Dmasa! DMASA.--Saan baga Sinong? LUSINO.--Dito sa talahib!... dito! dito! dito! iyo ng isubsob matigas mong ulo (_Mahihiga at tatabunan ng layac_) DMASA.--Lusino, halica! halica Lusino! LUSINO.--Aco ay narito sa puno ng manga itupi ang bibig huag mag-alala. CHITO.--Cahit humahagi't umulan ng bala iyong panibugho'y hindi na nag baua. ICALAWANG DIGMA Si Chito ay magtatabon na nacalitaw ang puit. KALINT.--Yamang naliligpit ang mga babaye tayo namang lahat sa gubat maguble pagcat ang calaban ay lubhang marami at di mag gapi ng pagcabayani. LUSINO.--Cun gayon ang uica abata! KALINT.--Abata! CHITO.--Huag acong iuan! (_babagon_) LUSINO.--Huag cang sumama! CHITO.--Aquing ilalaban calicot cong dala! Ito bagang talim ng aquing nalicot di maipapantay sa talas ng guloc? KALINT.--Cung gayo'y abata! CHITO.--Hintay mga irog at ang aquing cuaco ay nag-iinusoc (_Sususuhan at saca hihititin_) KALINT.--Madali! LUSINO.--Madali! CHITO.--Hintay cayo! hintay! aco ay gagaga ng upang tumagal (_Babataquin ang languay at saca magcacalicot_) at baca sacali tayo ay malaban sa mga castila na pauang sucaban. KALINT.--Madali! LUSINO.--Madali! CHITO.--Hintay! hintay cayo! madaling maluba ang ikmong Patero at cung malalaban mahiguit sa ikmo ang aquing gagauin sa lahat ng lilo. ICATLONG DIGMA Ang mga cazadores, civil, voluntarios at infantera ay masasalubong ni Tecla at ni Paco. PEA.--Capagca umaga na macaliuay-uay cami ay umalis sa cuartel general na ang tica't nasa gubati't looban lahat ng himacsic sa bundoc at parang. Unang dinaana'y ban~gin, sapa, gubat, matulis na bat, matinic na dauag na sa baua't hakbang ay may nadudulas at may nadadapa sa lumot at lusac. Dahil sa sinagui nayong Balangutan na sacop ng Turic, lupang Capampagan hangang sa sinapit patoc ng Magalang na lubhang mataas, malapad ang parang. At sa laquing pagod sa pagcacalakad sa buquid, sa parang, sa gulod, sa gals ng aming sapitin licod ng Arayat di na macahakbang ang paa sa dulas. Caya sa pag hacbang at mga pag liga sa bagin, bulaos, sapa at tumana cung aco'y maluhod at saca mahiga hindi co na ibig bumagon pang cusa. At sa gayong hirap uala cahit isa matanaw na tauo at ualang maquita isa man lang cubong mag-gauad guinhaua sa malaquing pagal na aming dinala. Subali mayroon caming naririgig na putoc at siclab sa mga talahib dapua hindi naman abutan ng masid at hindi matunton ang landas at batis. Sa gayon ng gayon ibinalic cami sa dacong hilaga, nugnog ng Camansi ng uala rin namang maquitang bubuli siya gang pag-oui cahit hating-gabi. PACO.--Cun gayo'y humimpil at magpahigalay ng upang mahaui ang matinding pagal. TEKLA.--Tayo ay humapon at may nalalaan na caunting caya sa tahanang bahay. ICAAPAT NA DIGMA Dmasa, Doray, Kalintong, Nonato, Chito. DORAY.--Mabuti at hindi aco'y na yuracan ng mga sundalo ng sila'y magdaan at di man naquita ang paa at camay doon sa bulaos na quinasubsuban. KALINT.--Cun hindi magaling ang aquing tagalpo marahil na sagui sa pagcacatago. NONATO.--Ang aquing balani cun di naisubo tayo ay binagaw at gayo'y mabaho. CHITO.--Cun ako'y quinilos ay naquita sana ng mga sundalo ang dahas at sigla at tuloy na suboc ang aquing sandata talim ng calicot higuit sa muhara. (_Saca bubunutin ang talim ng calicot._) Dito baga caya ay may pananalo bayoneta, sable at armas de fuego? sa banta co'y hindi ... lalo,t, cun ang itso ay aquing bayuhin sa anyo cong ito. (_Maninincayad saca magcacalicot._) At cun di matacot silang calahatan sa aquing calicot na cahahagaan ito namang cuaco siyang sususuhan hangang sa umalis at magagtacbuhan. DMASA.--(_Papasoc ng papatacb at acay ang mga bata_) Dagan ito! (_babatucan si Chito_) CHITO.--Baquin? DMASA.--Dahil cay Cundendeng at cay Lusinong nagtago sa bagin na di mailayo at casiping-siping tulad sa pistola at sa pasang pusil (_Si Chito ay mapapataga_) Sa pagcahiga co sa pinagtaguan aquing naquiquita lahat ng mag daan caya n~ga marami ang dami ng hilang ng mga sundalong pauang sandatahan. Sa bagay na yaon aco'y umaasa di na mabubuhay, di na magquiquita n~guni si Lusino ang na ala-ala cung aquing maiua'y pano caya baga!... CHITO.--Si Lusino! at si!... (_taua_) caya di lumapit sa inyong mag ina na na sa paganib dahil cay Cundendeng sininta ng labis at di mailay sa caniyang titig. Caya ga cagabi siya ang casama at doon nagubli sa puno ng manga at pagcacamulat ng canilang mata ang unang ininom ay gatas ng vaca. DMASA.--Tunay guni baga ang iyong sinaysay DORAY.--Aba! oo!... aba! at sa catunayan hindi naquihamoc ng nag puputucan, cami ni Kalintong ay pinabayaan. Caya ng maubos ang aming municion aming hinahanap laguing liniligon yaong si Cundende ang cacandong-candong pagcat umi-iget at lulugoy-lugoy. ICALIMANG DIGMA Sila rin. KALINT.--(_Papasoc ng papatacbo_) inyo gang tanauin mga casi't ibig at tila caauay itong nagbabalic. DORAY.--Jess co! DMASA.--Jesus co! anong masasapit naming mag-iina?... mataas na lagit!... DORAY.--Huag cang maigay!--huag cang cumibo!... aquing tanauin! ... (_tutuntong sa isang bato_). DMASA.--(_Magugulat_)--Cami'y mag tatago sa gubat, sa bagin at sa dacong hulo ng bagin gang itong maraeng lagulo! DORAY.--Halica at hindi!... at ang na sa una ang iyong Lusino at ilang casama na pauang may pasang pusil at sandata at ang iba naman bitbit ay muhara. DMASA.--Salamat cun gayon. ICAANIM NA DIGMA Papasoc si Lusino at si Beteng ay naca mambisa. JOSEFO.--(_sa cay Lusino_)--Catoto't caibigan! mula sa malayo'y aquing natanauan sinta mong asaua ay na hintacutan sa mga sacuna at ating pagdatal. LUSINO.--Cung matalos caya ang ating na sapit sa sumaguing unos ay hindi mahapis? JOSEFO.--Marahil malunos at sucat maamis ang puso't panimdim na calong ng dibdib. LUSINO.--Cung gayo'y ilihim!... huag isalita ang boong nangyari sa lilim ng lanca. ICAPITONG DIGMA Si Dmasa'y dudulog cay Lusino at cay Kalingtong DMASA.--Catoto at casi!... batis ng biyaya aco ay haguisan ng ilang balita!... Ng tungcol sa digma na nacalingatong sa parang at bundoc at loob ng nayon na dili umano cayo'y naga gahol at nagahirapan ... caya nag si urong. Sa bulaos, sapa at ibang cublihan ng usang mailap na tubo sa parang caya may nagtago sa gubat-gubatan at lubhang paganib nasapit ng buhay. LUSINO.--Cung yao'y totoo! guni ng magalit ang lahat ng cawal ay muling nag balic at saca hinabol ang mga balauis hangang sa S. Juan sila'y inihatid. At sa catunayan ay aquing nacuha rel ng capitan, at sable ni Pea gayon ang patupat, mariquit na pipa saca ang bursigueng macapal ang suela. BETENG.--Lahat mong sinabi'y ualang cabuluhan sa aquing na cuha na sadyang mainam tigni at mambisa ang na sa catauan puno ng galletas ibang cabuhayan. Ang lahat ng bulsa na paliguid-liguid sa aquing catauan ay siguic na siguic tignan at may lata, tinapay, matamis at may medalla pang sa dibdib pang sabit. Bucod pa ang pipa, itso't cigarillo tabacong _Insular_ at anis del mono bucod ang salapi at papel de Banco bucod ang peseta't bucod ang mamiso. DMASA.--Cung gayon catoto aco'y balatuhan ng mabibili sa pabago,t, suclay saca sa banquete postiso,t, pamaypay. BETENG.--Ayaw aco, ayaw! DMASA.--Aco'y iyong bigyan. BETENG.--Ayaw aco, ayaw! LUSINO.--Bigyan na KALINT.--Bigyan na BETENG.--Bigyan co ng ano LUSINO.--Bigyan mo ng cuarta BETENG.--Ayaw! ayaw! ayaw aco LUSINO.--Ayaw ca ga ba BETENG.--Aba at nagalit ... toma! DMASA.--Ayaw co na. (_Uulit-ulitin ang toma at ayaw co na_) ICAWALONG DIGMA Pagpasoc ang mga voluntario sa Casino at si Toms ang maguguna sa caramihan ng mga bahay na na sa itaas. RICO.--Toms! (_Hindi madidigig_) PEA.--Toms! (_Sasagot mula sa malayo_) TOMS.--Seor! (_saca lalapit_) PEA.--Caginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na na sa caliua at na sa sa canan? TOMS.--Sa cay Juan Haring quilala ng tanan. Isa'y alilisan malaquing camalig dalawa ay bagan ng palay at guilic caya ga sagana ang mga himacaic at di magugutom cahit ang masapit. Abutin ng buan, bumilang ng taon at gumala-gala sa bagin at burol. PEA.--Cung gayo'y sunuguin ... sulsulan ng apuy ng ualang siluga't di macapag pulong. At ualang macain sa bundoc at parang ang mga himacsic lilong katipunan. RICO.--Hayo na ... sulugi! TOMS.--Cung gayon ang saysay sa isang psporo sunog na gang tunay (_bubunutin ang psporo at saca lalacad_) RICO.--Maghintay ca! Toms! at cami'y sasama baca ca mapatay ay di na maquita ang iyong urilat at bacas ng paa. TOMS.--Di po na gulubat ng sa gayong lamang. RICO.--Di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc ng sundang. TOMS.--Capag sa castila ay mahihiualay. Aco'y matatacot sa magcacapatid noong katipunan na pauang balauis na uala gang gaua sa parang at buquid cung hindi mag nacaw at mag-umit-umit. Dagan at ang culay tunay na tagalog di maicaila at dito sumipot tatalicdan co na't itulad sa hayop tanang cababayan na pauang balacyot. Caya ga po aco'y nagcacamit hiya tauaguing tagalog, tubo sa Maynila. RICO.--Cun gayon ay Bravo! (_tatapiquin_) PEA.--(_tatapiquin_)--Uala cang camuc-ha! RICO.--Bravo! bravo! PEA.--Bravo! ito ga ang bata RICO.--Cun gayo'y abat at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at tacsil. (_Yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na na tatanao; siya namang pagpasoc ni Juan Hari, ni hermana Goria, ni tininteng Isiong at ilang capit bahay_) ICASIYAM NA DIGMA Samantalang sinusunog. JUAN.--Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic ng mga sucabang mahiguit sa ganid. Quinuha sa caban cuartang naiipon ang guinto'y sa pitac noong aparador ang papel de Banco ay sa isang cahon at ang mga pilac sa lalagyang baul. At saca sinunog damit na pangbahay hinacot ang bigas na na sa bigasan ang baga'y inab, at sa alilisan hinacot ang pilon ng mga asucal. Saca ang calabaw, buo't mga guya sa buquid at parang nag laboy, nag-gala hinuli, inacay at ang boong nasa iowi sa bayan, dalhin sa Maynila. ISIONG.--Sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang dusing ng corona. GORIA.--Di magcacagayon cun ang naguguna na tenienteng Toms ... (_aagauin ang pagsasalita_) JUAN.--Sucat na! sucat na!... Siya ang nag-wicang bahay co'y sunuguin abuhin ang baga't calabaw'y lipulin cadugtong pag-wica ng lilo at tacsil lahat ng lalaqui huli't patayin. Caya ga nag tago lalaqui sa bahay cumubli sa gals at gubat-gubatan ng hindi abutin ng mga sucaban na sadyang humanap ng icabubuhay. GORIA.--Sa bahay co naman guinanang pagpanhic aquing mga carmen na na sa sa liig dinurog, linuray, pinagpunit-punit gayon ang estampang sa dinding nag sabit. Saca ng macuha ang aquing postiso sa pinit ng silid, maliit na cuarto guinuso't guiniic saca ibinat sa dapugang calan na pun ng ab. Sa pag hahalucay sa pitak ng mesa blanquete co naman ang siyang nacuha at inahilamus sa mukha at taiga at di co malaman ang naguing figura. ICASAMPUONG DIGMA Papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang. URBANO.--May apat na puo calabaw na acay si tiniente Toms ang na sa unahan. GORIA.--Ayun ga ang mga ... (_Ituturo_) JUAN.--(_Ituturo din_)--At nag tatauanan dahil sa marami canilang na nacaw. ISIONG.--At may naaancs na maraming saco ng palay at bigs, darc, ip't ab at ang madaanang guya, bulab't aso ay inaacay din at itinatacbo. (_Ang un~ga ng m~ga calabaw ay maririn~gig_) JUAN.--Ang lahat ng bagay ating matitiis sa pagcat linoob ng nunugong lagit subali capagca Dios ang nagsulit na magbubunga na mabuig na lansones. Tanda't mag-aani sa nayon at bayan ang magcacapatid nitong katipunan saca magsisisi ang lahat ng hunghang gaya niyang lilong ating cababayan. At pacaasahang ualang pagbubula itong sasabihin sa bat itaga yamang di nasupil ng mga castila ang bugsong nagdaan na camunsing baha. Di na maa-auat ang baha ng dugo hangang sa umapaw sa luasan at hulo at ang kalayaan na nasa ng puso di na masusupil sa caniyang paglago. Caya cun ang aquing baga't alilisan inab't sinunog ng mga sucaban at ang pag aari sa loob ng bahay quinuha, guinag at canilang sinamsam. Hindi isasama niyaring aquing loob at di dadalawin camunsi man lungcot at cahit inacay ang lahat ng hayop at quinacain pa ga ang itlog ng manoc. guni ang puso co'y walang pagpalagyan galit sa nagnacaw na mga sucaban caya ga ... caya ga ... ang subali lamang ang canilang sam ay baka tagisan. O caya'y magsisi araw cung dumating ng pagpaparusa sa lahat ng tacsil sa pagcat di taus sa puso't panimdim ang guinaua nila na nacalalaguim. Laman ng catauan higuit sa quinurot at di mangyayaring malibing sa limot baca ang masapit matimbang sa hayop ang canilang buhay na iimbog-imbog. ISIONG.--Sa aquin mga bulo dapat mag alala si Rico't si Toms capua palamara pagca't ang panaho'y di maquiquita cun saan hihimpil at saan hahanga. URBANO.--Gayon din sa aquing guya at bisiro na hinila nila sa tahanang cubo. GORIA.--Gayon din sa aquing blanquete'y postiso na sinunog nila at guinauang ab. JUAN.--Caya ang marapat huag ng habulin lahat ng ninacaw guinag sa atin itac na mahaba ang siyang alamin ng upang idiglay canilang quinain. URBANO.--Cung gayon ang uica abata casuyo! atin ng idamay dalisay na dug sa mga himacsic na sadyang nag bubo ng yaman at buhay na pamimintuho. Sa nasang maalis sa caalipinan at hagad tamuhin yaong kalayaan na atas ng Dios sa tauong sinoman at cahit cagino na caniyang quinapal. =Uacas nang ikatlong kasulatan= End of Project Gutenberg's Ang Katipunan, by Gabriel Beato Francisco License: Share Alike