Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at https://www.pgdp.net (This file was made using scans of public domain works from the University of Michigan Digital Libraries.) [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] ANGEL DE LOS REYES KASAYSAYANG TAGALOG NASAWING PAGASA!! IT RIN ANG NAPALATHALA SA PAHAYAGANG "ANG DEMOCRACIA" NOONG ABRIL G 1910 NA NILAGDAAN G "MULAWIN" NAGKAROON G MGA PAGBABAGO AT INAYOS ANG KAMALIAN MAYNILA KAPULUANG PILIPINAS 1912 NASAWING PAGASA! KASAYSAYANG TAGALOG KASAYSAYANG NAPALATHALA SA PAHAYAGNG "ANG DEMOCRACIA" NONG ABRIL G 1910 NA NILAGDAN G "MULAWIN". NAGKARON G MGA PAGBBAGO AT INAYOS ANG NAGNG KAMLIAN. SINULAT NI =ANGEL DE LOS REYES= KUMATHA G MGA KASAYSAYANG "ANG DIYOSA INNG" "KRISTONG MAGDARAYA!" "IMBING KAPALARAN!" "PARUSA G DIYS!" "HINAGPS NI LOLENG!" AT "TAYO AY MAMUNDK!" MAYNILA, K.P. LIMBAGNG "ESFUERZO OBRERO" 1912 =LAHAT TUNGKOL PILIPINO= AY DAPAT BUMASA G BABASAHING TAGALOG Bahag-hari............................. ni _Gerardo Chanco._ Sa Tab n~g Ban~gn.................... " _Jos Maria Rivera._ Higanti at Pagsisisi................... " _Honorato H. de Lara._ Duwg!................................ " _Gerardo Chanco._ Imbing Kapalaran!..................... " _Angel de los Reyes._ Halina sa Lan~git!.................... " _Gat-Dusa._ Ang Mananayaw.......................... " _Ros. Almario._ Tadhana!.............................. " _Democrita P. Antonio._ Sawng Pagasa!........................ " _Bb. Francisca Laurel._ Larawan n~g Pagirog.................... " _Simplicio Flores._ Walng Diys!......................... " _Honorato H. de Lara._ Pinatatawad Kita!..................... " _Matanglawin._ Parusa n~g Diys!..................... " _Angel de los Reyes._ Buhay.................................. " _Aurelio Tolentino._ Enchang!.............................. " _Honorato H. de Lara._ Kristong Magdaraya!................... " _Angel de los Reyes._ Pan~garap n~g Buhay.................... " _Simplicio Flores._ M~ga Anak-Bukid........................ " _Ros. Almario._ * * * * * =Inyong paghanapin sa mga aklatan at makabibili sa makkayanan upang huwag kayng tamaa't masaktan sa mga kasund na palo at ugal.= MGA PAGUNITA NA DAPAT NUYNUYIN SA MAGLLIWALW SA Bayan n~g Antipulo Anim na binibini ang nan~gaklupasay sa lilim nang isng puno n~g mangg sa bayang Antipulo nang tang nagdaan. Pawa silng maggand; pawa silng mahhinhn; n~guni't ang kataktak, ang apat ay naktawa at ang dalaw ay naksiman~got. Sa lihim kong pagssiyasat ay naunawa kong kaya pal gayn, ang apat ay nakpagdal n~g m~ga babasahing Tagalog at ang dalaw ay nakalimot. Walang pagalinlan~gan na yang di nakpagbaon ay siyng naksiman~got, pagka't wala n~g masarp na aliwan sa bayan n~g Antipulo na para n~g magbas n~g aklt. Maligo, pagkatapos ay magduyan, bago magbas n~g aklat: iyn ang buhay mayaman. Kaya kayng maglliwalw sa Antipulo, nang huwg kayng sumiman~got pagdatl don, ay magbaon kay n~g _Pinatatawad kit!, Ang Mananayaw, Mga Ank Bukid, Duwg! Sa tabi g bagin, Tadhana!, Halina sa Lagit!,_ SAWNG PAGASA!, _Larawan g Pagirog, Pagarap g Buhay, Walang Diyos!, Higanti at Pagsisisi!, Enchang!, Kristong Magdaraya!, Parusa n~g Diys! Imbing Kapalaran! Bahg-Hari,_ MILAGROS! at _Lihim na pagluha!_ Sa gayn, tan~gi sa maalw niny ang inyng sarili ay makattulong pa kay sa masisikap na kawal n~g pagppalaganap n~g wikang minana natin. ANG MGA PUMPATY SA Kalulw g Bayan Masarp ang wikang Inggls, ang turing n~g Inggls; lalo na ang wikang Kastila, ang sal n~g Kastila; lalo pa ang wikang Pranss, ang habol n~g Pranss, palibhasa'y para-para silng may damdamin at marunong magmahl sa m~ga kalulw n~g kankanilng bayan, na alinsunod sa m~ga pants na sinsamba n~g marami, ang wika, ay siyng kalulw n~g bayan. N~guni't ... sa bibg n~g ilang m~ga Tagalog, ay hindi ganit ang nammutawi. Katiwaliang laht at balt n~g m~ga kahan~galn ang lumlabs! Pawng kapalaluan na any'y masarp ang wikang Kastila at Inggls kay sa wikang Tagalog kaya't ni di ko tinitisod ang m~ga katha dito, n~guni't masdn mo ang aking m~ga nobelang Inggls at Kastila ay hindi na mabilang. Iyn ang m~ga kaaway n~g bayan; pagka't sil ang pumpaty sa kalulw nit. Dahil sa kayaban~gang masabing sila'y nakaiintind n~g wikang dayo, ay ipinagppalt na, ang kanilng dan~gl.... M~ga kamnunult! Kahabghabg ang ating katayuan! Sa laht n~g sandali'y nakaumang sa ating m~ga ulo ang tabk ni Damokles; nanunuly tayo sa pan~ganib na guhit n~g m~ga bats; kalaban natin ang m~ga dayuhan at sampu n~g kalahi, ay kalaban pa rn!... MABUTI KANG TAO NGUNI'T Masama kang Kristiyano --Bakit? --Mangyari ay umasa ka sa panghhirm n~g bagong aklt! _Mabuti kang tao_, pagka't nabasa mo na halos laht n~g nobela sa kahhirm, n~guni't _masama kang kristiyano_, pagka't pinpaty mo ang m~ga kumatha at nagpalimbg at ayaw kang bumil n~g iy, gayng pinagkagastahn nil. San mabubuhay ang kuto, kung hindi sa ulo? --Kung ayaw kang magpahirm ay huwg! Kay dami mong rekubeko! Pag ikw namn ang nanghirm sa akin, ay tatawagin kit n~g TUSO, pagka't para mo rng tinuso ang kuwartang ibinil ko, na nabasa mo ang aking binayaran n~g di ka nagkagast!... Ganyn ang taltalan n~g dalawng magkaibigan, kaya't ikw na bumbasa, upang huwg tawaging TUSO MASAMANG KRISTIYANO, ay bumil k n~g m~ga kasaysayang: "HALINA SA LAGIT!" ni _Gat-Dusa_: "SAWNG PAGASA!" ni _Bb. Francisca Laurel_; "DUWAG!" ni _Gerardo Chanco_: "LARAWAN G PAGIROG" ni _Simplicio Flores_: "SA TABI G BAGIN" ni _Jos Mara Rivera_; "IMBING KAPALARAN!" ni _Angel de los Reyes_; "TADHANA!" ni _Democrita P. Antonio_; "WALANG DIYS!" ni _Honorato de Lara_: "PARUSA G DIYS!" ni _Angel de los Reyes_; "MGA ANAK-BUKID" ni _Ros. Almario_; "PAGARAP G BUHAY" ni _Simplicio Flores_; "ENCHANG!" ni _Honorato de Lara_; at "KRISTONG MAGDARAYA!" ni _Angel de los Reyes_. SINO ANG NATUMPK? Kay nga ang humatol Si Petra at si Petring ay magkapatd. Minsng nallapt ang Pask, ay binigyn sil n~g kanilng am n~g muntng halag upang magugol sa dakilang araw. Si Petra ay ibinil ang kanyng bahagi n~g isng hikaw, at si Petrng ay pawang babasahing tagalog ang pinakyw. Dumatl ang araw n~g pask, at gaya n~g karaniwan, ay nagdalawn ang dating mag-kkaulayaw. Sa dampa n~g magkapatd ay mayron dng m~ga panauhin. At an ang naisalubong ni Petra? Naipagparan~galan b ang kanyng hikaw? Hindi! Subali't si Petrng ay naipagmalak niy ang kanyng m~ga aklt at tan~ging nakpagsabing "Mamiyang hapon na kay umuwi at tayo ay magbas nitng masasarp na kasaysayang bagong labs..." Kayng bumabasa nit, ay inyng hatulan kung sino ang natumpk: ang hiys na nagagamit n~g isng tao lamang ang aklt na pakkinaban~gan n~g marami ang lalong mahalag, Kauntng pagkukuro ang inyng papaghariin. Tutupn niny ang inyng m~ga puso at siyng magsasabing: mahalagng pagaari ang m~ga aklat kay sa hiys na nawawala. Sa tahanan n~g isng matalino, ay aklt ang mattagpuan; n~guni't sa tahanan n~g isng mangmng ay pawng hiys ang palamuti. Dahil doo'y magipon kay n~g m~ga babasahing tagalog upang mapabilang kay sa m~ga pants. SA KINAUKULAN Maaliwalas ang daan ko! Suriin natin ang ugali n~g uman'y m~ga bantg at pahm na mannult. Ayaw silng makaring na mayrong makata; ayw silng makakita na mayroong bagong kasaysayan, at pauulanin na nil ang pula, lubha pa't isng malit ang sumulat. Sasabihing iyn ay mali, walang kabuluhan; at sayang lamang ang ipinagpalimbg. Palalo at pan~gahs ang gumawa niyn, huwg na di masabing siy ay _autor_. Kaawaawang m~ga mannult! At sil daw ay m~ga kawal sa pagppalaganap n~g wikang tagalog! Kung sa habang panahn ay ganyn ang aasalin nil, ay sumpa n~g bayan ang kanilng maantay. Sa kanilng pakikipagkapwa ay doon lamang uusbng ang pagmmalasakitan n~g m~ga makatang pilipino, na, tan~ging daan n~g iktatanyg n~g masarp na wika ni Balagts. Kung sa akin sil hahadlng ay itutulak ko sil n~g dalawng kamy at bubulyawn kong: Maaliwalas ang daan ko! Nakikita ko ang aking nillakaran! Tanglawn niny ang inyng landasin at di ko kailan~gan ang inyng ilaw! Manips mn ang aming m~ga katha ay piniga namng tunay sa aming sariling isipan at di naming ninakaw sa isipan n~g m~ga makatang kastila, inggls, pranss, at ib p! Mura mn ang aming m~ga aklt ay madali namng maubos at di inamag sa m~ga aklatan! PAN~GUNANG SALITA NI AMADO JACINTO PAN~GUNANG SALITA Ang munti kong kaya at maiklng pagkukuro ay minarapat n~g mahl kong kaibigang Angel de los Reyes na magbigy n~g _Pan~gunang Salita_ dito, sa kanyng bagong aklt na maliit, na nong araw ay napalathala na sa phayagang "ANG DEMOCRACIA;" at kung bagamn tinawag ko n~gayon n~g _bagong aklt_ ay sapagka't n~gayn lamang naipalimbg at di na paputl-putl. Walang alinlan~gan akng nayag sa hilng n~g aking kaibigan, nan~giti ako n~g lihim n~g ito'y sabihin niy, at naibulong ko sa sarili na siya'y sadyang matalino sapagka't totong maalm na magbagay-bagay: nababatid niyng sa isng maiklng aklt, ay is namng maiklng isip na lamang ang dapat mag-ukol n~g m~ga palagay at paghahaka. At dahil diyn, ay sisimuln ko ayon sa makkaya, ang paglalahad n~g aywn kung tumpk na aking m~ga pagkukuro tungkl sa kanyang kathng it. Sa ganng akin, ang mtutunghayn n~gayn n~g m~ga mambabasa ay isng aklt na mainam, isang aklt na dapat bigyn n~g papuri, hindi dahil sa it'y nakwiwili lamang basahin kundi alang-alang p sa wags at manngnng na damdamin n~g kumatha: ang maalab niyng nasang ang dukha ay igalang at masugpu ang ugaling hanggng n~gayon ay umiiral pa sa ib, at kung minsn ay sa dukha rn, na inuuna ang salapi bago ang laht; minmahl na higt sa puri, sa dan~gal, sa katungkulan at wastong ugali. Ganyng-ganyn ang asal na makikita natin sa mag-am ni Tunng sa Kasaysayang it, na bagamn mahirap ang bhay, nang mahul ay ayaw na sil sa kapwa nil mahirap at ang ibig ay ang mayaman, dahil sa may nakpan~gibig lamang na isang masalapi kay Tunng at ito'y si Ruperto. At ang kasuklm-suklm na nagng bun~ga n~g kasabikng it sa pilak ay ang pagkatapon n~g ank ni Osong, ang binatang unang inibig ni Tunng, pinaglagakan n~g boo niyng pagkbabai at hanggng sa nagbun~ga pa n~ga. Datapwa't kay Tunng, ay nagng bula ang salitang _puri_ at _katapatan_ sa harp n~g yaman ni Ruperto, kay't dito siy napakasl sa waks, gayng si Osong ay di namn tumatanggi sa pagtupd n~g kanyng tapt na pan~gak at wags n pagibig. Si Osong na parang sinasakal n~g m~ga daliring bakal ay hindi nakatiis at nang araw n~g pagkakasl ay nagdamt-pulubing naparon sa bahay n~g kasayahan nil Tunng at ni Ruperto na dal ang larawan n~g kanyng bunsng na sagp s ilog, at nang makita ni Tunng na yan ang kanyng ank ay hinimaty na bigla, bago huming n~g tawad kay Osong at hanggng sa nalagt ang hinin~g. Samakatwd ay oo't nagsisi n~g si Tunng kay't humin~g pa n~g tawad sa pinagtaksiln niyng binata, subali't d dahil dito'y hind siy matatawag na babaing salawahan at tampalasan lalo pa't isasagunita ang pagkkatapon sa tunay na dug n~g kanyng pus. Kung ang gayng ginaw n~g babaing ito'y oo't napatatawd n~g Diys, sa m~ga tag-lupa'y walng makapagpapatawad marahil. Sa harp n~g ganyng pagllarawan n~g kaibigan ko, ay labis niyng ipinakilala ang lubs na kabagsikn n~g salap na walng d naitutur sa tao, pati n~g lalng kasamasamaan. Subali't ang han~gd kay n~g mahl kong kaibigan sa paglalarawang it n~g nakririmarim na ugal ay upang pulutin namn it n~g m~ga mambabasa? Kayng tumtunghy n~gayn ang maksasagt, at kay rin namn ang dapat makbatid sa tnay na layon n~g NASAWING PAGASA! Gayon man ay sasagot din ako n~g para sa akin. Ang mith n~g aklt na it ay wal n~gng ib sa war ko, kund ang turuan ang m~ga dukh sa pagpapakran~gal sa kanilng sarili, sapagkt kung ang m~ga dukh'y maran~gl, kung ang laht n~g dukha'y hindi nagbibili n~g puri ni napaaalipin sa salap, ang m~ga mayyaman ay hind maaaring magpkatayog-tayog na para n~g madals nating mapnod n~gayn. Ang isinasam n~g m~ga mayayaman ay na sa mahihirap, at ang isinasam n~g isng pamahalan ay na sa pinamamahalan dn. Iyn ang m~ga kattohanang kailn m'y d magkakabula at dapat dasaln n~g baw't tao; kattohanang aywn kung kanino ko unang nading o nabasa at n~gayo'y inankn ko na tuly pagka't nakilala kong tapt. Kay n~ga, m~ga mambabasa, upang makinabang ang kumath nitng NASAWING PAGASA! sa kanyang m~ga ginugol na pagod sa pagsulat n~g kasaysayang it ay pagaralan sana ang huwg magbil n~g puri at isagunitang _na sa kupurihn ang tunay na halag n~g tao at wala sa kayamanan_. Kung magkakagayn, siy at ak'y maghahandg sa iny n~g masaganang pasalamat, palibhas'y siyng tnay na adhik n~g tapt kong katoto. _Amado Jacinto._ Malabn, Rizal, 1912. NASAWING PAGASA! Kasaysayang Tagalog _Dahil sa kagahuln sa panahn at dahil sa kakula~gan pa sa n~gayn n~g m~ga gagamitin, ay hindi nasund ang m~ga t u l d k na nasa orihinl._ Nasawing Pagasa! I Mapanglw ang laht, ang gab'y tahimik at ang buwn nong dapat nang sumilip, nagtatago pa r't sa sangkatauhan ay nagmmasun~git bitui'y gayn dn at nakkiwan~gis. Ni isng himutk walang mapakinggng sukat gumambala sa katahimikan; oh, ang aking lahi!... payapangpayapa sa kanyng hihign habang nawwili ang m~ga kalaban. Huni n~g kuliglg, tinig mn n~g ibon ay kapanglawan dn, dinadalit non; m~ga makata mn, siyng tinutula n~g sandalng yan ang sun~git n~g panglw, lagy n~g panahn. An pa't ang laht ay yaps n~g lumby hihip mn n~g han~gin, mandi'y palaypalay; habagat m'y salt at pawng dalita, ang balitang tagly na kung pakikinggn ay taghy na ay!... ay!... Subali't sa isng maralitang dampa sa bayang Malabng saks n~g pagtula: nagalimpuy, ang lugd, ang say, ang galk, ang tuwa sa piling n~ga nong dalawng nunumpa. It ay si Tunng na piling alindg kapiling n~g kanyng tan~gng inirog, pan~gala'y si Osong na lipi n~g dukha't di lahing matayog at binatang Udyng na ulilang lubs. Payapa n~g sil, sa pagkkaupo siyng inani; galk n~g pagsuyo, pinagusapan, ang ikrarangl n~g kanilng puso na ganitng sad nang minsng mahinto: Kay damot mo namn, kay Osong na sabi, isng halk lamang, itulot mo kasi, nang ako'y maalw at nang magkaron n~g is pang saks!... Ayw ko! ayw ko!... kay Tunng na tangg. Halina irog ko! Ayaw ko! ayaw ko!... Diyata't ayaw ka? Talagng toto! Halina! halina! isng halk lamang!... Kay ulitulit mo! Isng halk lamang!... Tawad ko sa iy! Ah! at iyn bag, ang lagi mong turing na lubhng dalisay pagibig sa akin ... Ikw ang bahala!... kung natuto akng sa iy'y gumiliw magis sa dusa'y mattutuhan din ... Nagtamp na namn!... Sino bagng puso ang makababat n~g asal mong liko? Huwag kang magalit! ang ginagawa ko, ay m~ga pagsuyo ... Pagsuyo sa iy; sa aki'y panghapo ... Ikw ang bahala, ako'y mapagtis at ipatay mo mn ang laht n~g skit ay tatanggapn ko; n~guni't ang hiyain, ang isng ninibig libong kamataya'y labis pa n~g tams ... Hiniya ba kit? Di ko ginagawa!... Ginaganp n~gay'y di bag paghiya? Hindi, aking giliw, at ang aking puri ang nagugunita na baka kung ... Kulang bang tiwala? Di lamang sa gayn, Sa an pang bagay? Katungkulan naming magin~gat na tnay, at ang unang halk, ang katimbang no'y sampu nitng buhay sa pagka't daig pa, ang gawng pakasl. Hindi bag Osong? Tapt ang turing mo, at ang pagkakasl ay pakitang tao; subali't ang halk, saksng akin ikw, at ak ay iy, kaya itulot na; halina irog ko ... Ilng pang Ayaw ko! at ilng Halina! bago pinagusap ang labing dalaw; tumung ang halk; nilimot na yatang sil'y may hinin~g na dapat malagt sa daratning dusa. Hayn n~ga ang tuwang na~ghari sa puso n~g dalawng yang is sa pagsuyo, kaya ang paalam n~g ating binatang anaki ay biro: Sarili na kit, bhay m'y mapugto!... [Larawan] II Nang isng umaga'y sa pangpang n~g ilog ay may nakaupng binatang malungkt: it ay si Osong; kanyng inaalw ang dusa n~g lob sa pagkkawalay kay Tunng na irog. At ang naglalaro sa kanyng isipa'y ang dilg ni Tunng na gayn na lamang, minsng mapadagok; minsng mapan~giti at ipinagsaysay: Oh, anng gand m, aking paraluman!... Subali't nabiglng nabaks ang lungkt sa masayng mukhng nagulap n~g lubs: Ay, palad na sawi!... Oh, buhay n~g dukha!... sund na himutk, sa dusa ni Tunng, ikw ang managot ... Kung ak'y mayama't sagana sa pilak tatanuran siy sa bang n~g hirap, hanggng sa sumilang n~g lubhng hinahon ang unang bulaklk n~g aming pagsintng dalisay at wags.... Ay, Tunng kong irog, di ko kasalanan na sa iyng dusa'y di ka madamayan; ang karukhaan ko, ang dapat sisihi't dapat managutan at oh, anng saklp, dustng kapalaran ... Sandalng tumigil at kanyng nmalas ang dalawng ibong naba sa bayabas, na saby umawit; yang kanyng dibdib ay halos mawalat sa pananaghili sa ibong mapalad. Sak nang magsiping n~g lubhng payapa m~ga titig niy'y di tumagl yata't mulng naghinagps: Mapalad pa silng may ganp na laya at hindi gaya kong may sumsansala ... At kahi't mn sil'y walang pagaari ginapas nam'y pawng luwalhati; d gaya n~g taong ang binabang m'y maraming salapi ay lumuluha rin n~g dusa't pighati. At an ang yamang sadyang hinahanap sa akin n~g am ni Tunng kong liyg? isng talinhaga! at di niya talos: sa Sangmaliwanag ang puri n~g tao, ang mahl sa laht. Hangd niya'y pilak, kahi't man~gulimlim ang dan~gl ni Tunng na sinta ko't giliw; wala sa gunitang lalong mahalag sa yaman mang aln ang dan~gl n~g tao kung lubhng maningning. Oh, taksl na pita sa dan~gl at yaman, ang nililikha mo'y laksang kamatayan; kung hindi sa iy, disi'y kapiling ko si Tunng n~g buhay at kasalosalo sa pinggn n~g lumbay!... Oh, buhay n~g buhay, Tunng ko at lugd... na sa karukhaan, ang sukal n~g lob na ating sinapit; libong kamataya'y masarp pa irog huwg lang maring ang iyng himutk!... Palasng may lason ang nakkaanyo n~g dusang sa dibdib n~gay'y pumapako, tuwing mabbuklt sa aklt n~g isip ang pagkasiphayo n~g banl na layong nnukl sa puso. At magmul rito'y aking nakikita sa bang n~g hirap ay nagiisa ka; walng dumadamay, at kung pumapasok ang mahl mong am sa iyng pagdang ang tumbs ay mura. Nariring ko ring kanyng inuulit ang pagalipusta sa palad kong ams: sa aba n~g dukha!... at nananariwa sa puso ko't dibdb ang pagtaby niyng kapaita'y labis. At nmamalas ko, ang lubhng masaklp, luhang mapapat sa mat mo liyg, di anng gagawn sa it ay utos n~g masamng palad pawang pagtitis ang gawng kalasag. Ibalita lamang sa tapt mong giliw kung makaraan k, sa gabng madilm, upang matals ko kung ano ang bun~ga n~g pagsinta natin at kahi't malayo'y kapalaran ko rin. At kung napapako ikaw sa dalita higit pa sa riyan, itong umaaba sa tapat kong puso, at ang bawa't patak n~g perlas mong luha ay timbang n~g buhay kung manaw sa lupa. Dito napahinto't kanyang napanood yaong isang kaban na tan~gay n~g agos, at pinagsikapang iyahon sa pangpang n~g upang matalos na baka may lihim doong natutulos. At oh, anong gitla nang kanyang mamasdan na bangkay n~g isng bagong kasisilang!... tuman~gis ang puso; nagluksa ang dibdib at ipinagsaysay na: Baka n~ga it, ang anak kong hirang! Kanyang ikinubli doon sa pangpan~gin, pumasok n~g bayang may in~gat na lihim at nakibalita; sa tinanongtanong ay kanyang nalining na itinapon n~ga ang anak ni Tuning!... Lalong nagibayo, lagablab n~g poot, ang daing at sumpa'y di malagotlagot Inang walang puso, Tuning na nagtaksil sa anak n~g irog dapat kang mamatay, dapat kang matapos! Diyata't masarap sa puso'y matamis anak mo'y pataying sa ilog ihagis, maturan na lamang ikaw ay dalagang may puring malinis, nang upang giliwin n~g bagong ninibig..... Oh, taksil na sinta! pusong magdaraya! oh, han~gad sa yaman! inang walang awa! pananagutan mo, sa harap n~g Diyos ang masamang gawa't may araw din naman kaming mabababa!.... At kanyang hinagkan ang bangkay n~g bunso kasunod ang patak n~g luhang natulo, Oh, sawi kong supling!.... di ko kasalanan ang pagkasiphayo managot ang iyong inang walang puso!... At kanyang kinalong n~g hanggang sa bayan upang ipakuha n~g isang larawan; subali't ang loob ay di mapanatag kahi't bahagya man; ang daing at sumpa'y walang katapusan.... [Larawan] III Sa ilog ding yaon na kinasagipan ni Osong n~g kanyang bunsong minamahal, ang magamang Tuning minsan ay nagaliw sa masayang pangpang na siyang sumaksi sa lihim n~g buhay. Talusin mo irog ang turing n~g ama, sa panukala ko, kung hindi nayag ka, disin hanggang n~gayo'y lumalagok ka pa n~g luha n~g dusa at di lumalasap n~g m~ga ginhawa. At di mo ba tantong sa buhay na ito: salapi, salapi, ang Diyos n~g tao? Bakit ka iibig sa han~gal na Osong na dukhang toto gayong may mayamang iirog sa iy? Ama ko! ama ko! ang saad ni Tuning, kay inam n~ga pala n~g inisip natin! salamat Diyos ko at ang mayayamang ninibig sa akin ay hindi natalos ang nangyaring lihim ... Talaga! talaga ang sa amang tugon, daig ang nagtiyap n~g pagkakataon, at aling pan~gahas dilang sinun~galing magsasabi n~gayong ikaw ay naglaho sa tangkay kahapon? Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag. Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda n~g lan~git. N~guni't anong saklap sa puso ko't buhay ang kataasan mo kung iyaagapay sa piling ni Osong! masarap pang ako ay magpatiwakal! oh, Tuning! oh, Tuning! at siya'y papanaw. Pinigil n~g bunso: Amang pinopoon, ako'y kaayon mo sa dakilang layon, at isinusumpang lilimutin ko na ang han~gal na Osong at ako'y dalaga na naman sa n~gayon ... Sila ay nagyakap at siyang tumunong ang halik n~g ama, at halik n~g irog; sigabo n~g tuwa ay hindi magkasyang sa puso manulos kaya't napatabi, ang panglaw, ang lungkot ... Saka magkaakbay silang nagsilakad sa dukhang tahana'y nagtuloy umakyat; mahiwagang ilog na nilisan nila'y bago humalakhak na waring inuyam ang nangyaring usap. IV Bagong namimitak sa kasilan~ganan liwayway n~g araw, batbat n~g katwaan, yaong m~ga ama nagsisikilos na't nan~gagtutulinan sa pagtuklas noong pangtawid sa buhay. Sa gitna n~g parang nam'y namukadkad ang hinirang ban~gong magandang bulaklak at isinusuob sa gintong liwayway n~g bagong ninikat nagsasayang araw sa bayan kong liyag. Ang napanaginip n~g m~ga bayani na tadhanang araw sa lahi kong api, wari'y sumisilang n~g sandaling yaong laht ay nagwagi at pawang naawit n~g m~ga pagkasi. Sampung m~ga ibong payapang magdamg ay iniyunat na ang kanilng pakpk; sandalng dumalit bilang isang bati sa nagharng galk na sinasayawan n~g palundaglundag. Tinig n~g batin~gaw ay sa Konsepsiyn no'y nagbalita na may kasal don; sa bibig n~g madla narinig n~g lahat ang kasl na yan di iba't kay Tunng na lan~git ni Osong. N~guni't sino kaya ang lubhang mapalad na makikisumpa sa dambanang harap? at si Osong kaya? oh, hinding hindi n~ga't isang taong pantas na kinasilawan sa bunton n~g pilak!... Ito'y si Ruperto na tukod n~g yaman kung kaya nasilaw si Tuning na hirang; kanyang kinalakal pagibig at buhay; puri at katawan na sampu n~g ama'y nakiayon naman. Wala n~ga sa isip n~g sandaling yaon ang pinan~gakuang binatang si Osong at kahi't bahagya wala sa gunita ang nasawing sanggol na tunay mang anak ay ipinatapon. Inang walang awa, pusong salawahan sa tunay mong supling di ka na nahambal!..... m~ga kulang palad!... oh ang nililikha niyang kayamanan! at oh, ang babai, kung siyang masilaw!... Huwag nang lin~guni't bayaang tuman~gis ang pusong dinaya n~g _Oong_ matamis, mahalin mo lamang ang naging bulaklak n~g iyong pagibig at dakila ka rin sa matang nagmasid. Sa pagka't ang inang walang pagmamahal sa tunay na supling na sa puso'y nukal, daig pa ang hayop, na lubhang malupit, marun~gis ang asal n~guni't kung sa ank ay handog ang buhay. At makalilibong masarap sa malas ang isang dalagang sa tangkay nagulap di gaya n~g isng babaing magtapon sa ilog n~g anak bukod sa may dun~gis, sumpaan n~g lahat ... Subali't ang lahat, di man sumagimsim sa diwa at puso n~g magandang Tuning, natan~ging nagdiwang sa kanyang isipang naglayag sa aliw na siya'y yayaman kay Rupertong piling. Sampu ni Ruperto'y di kaya ang lugod sa pagka't kakamtan ang aliw n~g loob; boong pananalig: ang kanyang si Tuning ay piling alindog at wala pang dun~gis sa n~galang pagirog. Kapwa may ligaya ang magkasingpalad; dalaga'y sa kintab at tunog n~g pilak, at ang isa nama'y sa boong pagasang ang ligayang han~gad, sarilingsarili't ang pagsinta'y tapat ... Kasiyahang lubos ang siyang umawit sa puso n~ga nilang hindi matahimik; sa boong lansan~gan, pinahan~ga nila, bawa't makamasid n~g pagtatagumpay noong si pagibig. Kapag salapi n~ga ang siyang nagutos ay payayanigin itong sangsinukob, at sa pagka't kasal n~g isang Rupertong sa yaman ay bantog kung kaya ang handa'y di masayodsayod. Papanhikang bahay ay sakdal n~g dilag at sa palamuti'y natatan~ging agad; palibhasa'y yaman, ang siyang naghari, ang siyang nagatas kaya nagigitla panauhing lahat. Lalo n~g dumating yaong bagong kasal hiyas na ginamit sa yaman ay sakdal; Maligayang bati! salubong n~g lahat n~g sa puso'y nukal bago nagsidulog sa isang agahan. Sa pagsalosalo ay nakikisaliw tinig n~g musikong gumagara mandin sa m~ga bulaklak, n~g bayang Malabong noo'y nagliwaliw na wari'y nagtipang magsabog n~g aliw. At naging parayso n~g ligaya't lugod pagsasalong yaon n~g m~ga alindog; na sinamantala noong makikisig pusong umiirog m~ga paroparong mababa't matayog. Ang maamong titig, ang mariing sulyap, panibughong n~giti, kilos na banayad, n~g sandaling yaon wari'y umuulang palasong matalas na di sumasala sa puso n~g liyag. Anhin mang lasapin ang mayamang handa di gaya n~g dilag n~g m~ga hiwaga; iyang mapamihag kaligaligayang maningning na tala sa lan~git n~g bayang luoy sa pagluha. Lalo na ang dikit n~g magandang Tuning namamaibabaw sa madlang kapiling, at nakikibagay sa kislap n~g hiyas na lubhang maningning kaya si Ruperto'y nagmamalaki rin. At halos ang puso sa tuwa'y umidlip at busog na busog kanyang m~ga titig, ni ang panauhin, sampung kinakain ay wala sa isip at walang nalabi kundi ang pagibig, Hanggang sa matapos, agahang masarap ay walang naghari kundi pawang galak at sila'y pumasok; ang isang matanda sa lupa'y tumawag: Sa isang naaba'y magdamot n~g habag!... Ang ama ni Tuning pagdaka'y nagn~gitn~git Palayasin ninyo, matandang marun~gis, nang di mangrimarim, m~ga panauhin sadyang nakisanib sa kaligayahan na dulot n~g lan~git!.... Tugon n~g matanda: Kung ako'y mayaman ay hindi ganito yaring kalagayan, gulanit na damit di ko isusuot: ako'y masusuklam n~guni't pagka't wala'y inyong pagtiisan. At kung kaya lamang ako'y naparito iyang bagong kasal ay babatiin ko naging sumbat nama'y Huwag kang umakyat at maraming tao na nakahihiya ang abang lagay mo!.... Di ikahihiya aking kasalatan huwag lang sabihin na sakim sa yaman sa pagka't ang dukha ay di alan~ganin sa harap nino man at isa ring anak n~g poong Maykapal. At sa mundo'y walang nalalagdang batas sadyang nagbabawal sa pakikiharap, n~g isang timawa't kung ipan~gin~gimi ang mukhang mahirap ang sabik sa yama'y lalong nararapat. Kaya itulot nang ako'y makapasok maligayang bati'y aking ihahandog sa m~ga mapalad, n~gayo'y nagsisumpa sa harap n~g Diyos ... Tuloy na n~ga kayo!.... maasim na alok. Baga man masaklap sa puso at dibdib doo'y patuluyin, matandang marun~gis, ang ama ni Tuning ay namayapa na't nakiayong tikis pagka't sumusugat ang bawa't isulit. Ipinan~gan~gambang baka pa lumala pagbaban~gon puri n~g abang matanda na di dumadaplis ang bawa't ituring sadyang tumatama sa ama ni Tuning, sa mayamang mukha. Kaya't ang matanda nang di tumitinag sa pagkakatayo'y nilapitan agad; Tayo na po kayo; magtuloy po sila't kusang makigalak sa dakilang araw n~g pagisang palad.... At nagtuloy na n~ga n~g puspos na galang yaong bagong kasal, minatamataan; mana'y may dinukot, sa loob n~g damit na isang larawan at anya'y Oh, Tuning, tanggapin mo laman!.. Pagdaka kay Tuning, pumulas ang luha, mukha ay naglaho, nagapos ang dila; si Ruperto nama'y di rin nakakibo at napipi rin n~ga at ang kain~gaya'y biglang namayapa. N~guni't ang matandang ama n~g babai ay naglakas loob at ipinagsabi: Ano po ang dala at isang larawan n~g batang lalaki na siyang sa lahat ay nakapipipi? Tugon n~g pulubi'y Inyo pong kilanlin at ito ay isang kamaganak mo rin ... yaong bagong kasal, di na nakabata't inagaw nang tambing; Ito ang anak ko, at tunay na supling!... Tuloy hinimatay; luhang mapapait ang sa kanyang pisn~gi, pagdaka'y dumilig; lahat ay nagulo't nang mahimasmasan, mata'y itinirik: Patawad Osong ko, sa nagawang lihis!... Sa laot n~g dusa, ako'y ipinadpad n~g lubhang marun~gis at masamang palad; nagtaksil n~ga ako't inang nagmalupit sa tunay na anak subalit sa n~gayo'y patawad!! patawad!! At untiunti nang, nalagot ang hin~ga at noong maburol sumugod ang ama: Ikaw na pan~gahas, pulubing naghayag n~g lihim at dusa dapat kang mamatay! uutasin kita!... N~guni't ang pulubi'y umurong sandali; hinubad ang damit at noon nawari, na siya'y si Osong laking pagkamangha; lahat ay nan~gimi at yaon ang giliw n~g babaing sawi! Ikaw na matanda na sakim sa yaman, uhaw sa tungkulin at sabik sa dan~gal, na nan~gan~galakal n~g puri n~g supling ang dapat mamatay at di akong dukhang inyong inagawan!... At saka umakmang tarakan ang puso noong lilong amang masakim sa ginto; subali't ang lahat pagdaka'y umawat, pagdaka'y bumuno hanggang maibaba't naglapat n~g pinto. N~guni't si Ruperto'y saan naparoon? at bakit nawala sa sakunang yaon? walang makaalam! palibhasa'y lihim na tumakas doong umilag marahil sa n~gitn~git ni Osong. At doon natapos yaong kaguluhan na noong umaga'y isang kasayahan; sa bibig n~g madla, pagpuri't pagkutya, pagbunyi't paguyam ang namumulaklak na lipatlipatan. Hanggang sa lansan~gan, noo'y sumabog na balitang masaklap, mapait na bun~ga n~g han~gad sa yaman; ibang makamatyag lihim na tatawa bago tutuguning Nasawing Pagasa! Oh, m~ga magulang na silaw sa pilak na nan~gan~galakal n~g puri n~g anak, man~gagnilay sana, bago magsisubo sa guhit n~g palad at baka madapa sa gitna n~g landas!... Oh, m~ga babaing masakim sa yaman pagibig at puri ay niyuyurakan, bumalikwas kayo't inyo nang baguhin ang kinahiligan upang makailag sa kasakunaan!... At tuloy tantoing masarap pang tikis ang pan~galang _dukha_ o _anak n~g pawis_ kay sa sa mayaman, kung pinupulaan n~g bala na't bibig na nakatatalos n~g lihim n~g dibdib. [Larawan] V Nang kinabukasan at gabing madilim sa isang libin~ga'y naglalamay mandin, yaong si Ruperto; sa kinalagakan n~g bangkay ni Tuning doon nakaluhod n~g lubhang taimtim. Ang kapayaang naghahari doon ay ginagambala n~g kanyang pagtaghoy: Ay, sawi kong palad!... wikang naghinagpis saka idinugtong buhay n~g buhay ko, patawad oh, poon!... At bago tumayong yumakap sa kurus, luhang mapapait sa mata'y nanagos, matimyas na halik kanyang iginawad saka naghimutok Tuning n~g buhay ko, tanggapin mo irog!... Iyan ay sagisag n~g aking pagibig at nariyan ka man sa bayang tahimik ay di nililimot at sa bawa't tibok n~g puso sa dibdib pan~galan mo lamang, siyang nasasambit..... Mana'y napailag naganyong bayani, lumayo sa kurus at ipinagsabi: Pusong magdaraya!... papatayin kita! hayo na't magsisi!... kulang palad ka n~ga, nasawing babai!... Sandaling tumigil at tumawatawa, Aba si Tuning ko, kay ganda mo pala!... sa harap n~g kurus ay muling lumuhog at humalik siya Tanggapin mo irog at lambing n~g sinta!... Anaki'y napasong biglang itinulak n~g kurus na yaon noong kulang palad Ab si Tuning ko!... at nagtatampo na, sa aking pagliyag ... ha!... ha!... ha!... ay kahabaghabag!... Hayo na, hayo na, gapasin ang lugod naito ang yaman, kandun~gin mo irog; aba't n~gumin~giti!... pusong magdaraya, salawahang loob, papatayin kita, dapat kang matapos!... At kung ang gaya mo, ay pababayaang lumawig sa mundo n~g dalita't lumbay ay di malalagot, ang m~ga panaghoy, ang m~ga sumpaan ... aba si Tuning ko, nahihiya naman!... N~guni't huwag Tuning, huwag kang tumagis, ang pagsisisi mo'y aking naririnig; datapwa't irog ko, umahon ka rito't ako ay hahalik sa m~ga pisn~gi mong sakdalan n~g dikit ... Di ka makalabs? sandaling magantay at babawasan ko ang tabon n~g hukay. Lumapit sa kurus, tinutop ang noong wari'y nagninilay tuloy na binunot ang tanda n~g patay. Kaunti na lamang, Tuning n~g buhay ko, huwag kang mainip at makakamtan mo; mithing kayamanan, aking hahawiin ang tabon sa iyo ... at nagkukutkot n~gang anaki ay aso. Sa dulong silan~gan nama'y namanaag masayang liwayway n~g araw n~g bukas, doon sa libin~gan ay siyang pagpasok noong kulang palad binatang si Osong, sawi sa pagliyag. Kanyang aaliwin ang dusa n~g loob dahil sa pagasang sinawi n~g lungkot; sa boong magdamag, ay di mang nagalay n~g munting pagtulog kung di pawang sakit, dalita't himutok. Subali't nabiglang natigil sa landas abang si Ruperto'y nang kanyang mamalas na nagkukukutkot doon sa libin~gan noong kulang palad kasaliw sa hibik ang luhang nanatak. N~guni't di napigil, sigabo n~g poot, patakbong lumapit sa nagkukukutkot; Sino kang pan~gahas, lilong gagambala, kay Tuning kong irog? na namamayapa sa kanyang pagtulog?... Tugon n~g Rupertong wikang tumatan~gis Ay Tuning!... ay Tuning! maawa ka lan~git!... at tuloy lumuhod, sa harap ni Osong at siya'y humalik kasabay n~g yakap na lubhang mahigpit. Ang poot ni Osong, lalong naglagablab kanyang iniwaksi, ang pagkakayakap; abang si Ruperto, sa maruming lupa'y nasubasob agad at napahandusay sa libing n~g liyag. Sinakyan ni Osong; pinigil sa batok at ang sundang niya'y madaling binunot, bago iniyakmang Papatayin kita!... dapat kang matapos nang makilala mo kung sino ang Diyos!... At bakit nan~gahas dito sa libin~gan? bakit huhukayin ang sinta n~g buhay? pusong walang bait! kahi't anong sama, n~g taong sino man kapagka namatay, dapat mong igalang.. Tuning ko! Tuning ko! ang nagiging tugon oh, anong lupit mo, kay lakas mo n~gayon!. tinablan n~g sindak, ang ating binatang may n~gitn~git na Osong, at ang yapus niya'y tunay palang ulol! Tuman~gis ang puso, nagluksa ang dibdib, sisi, habag, hapis, sa kanya'y naniig, kaya't ibinan~gon; Diyos ko! Diyos ko! mahabaging lan~git, pawa na bang gabi, itong tinatawid!... At bago niyakap, kaharap na baliw Sa aking inasal ako'y patawarin ... tumbas ni Ruperto ay isang mataos, halik na mariin, Tuning n~g buhay ko, kay sarap mo giliw!... Diyos ko! Diyos ko! ang hibik n~g Osong, pagkalupitlupit lakad n~g panahon!... at kanyang inakay abang si Ruperto't wikang idinugtong Tayo na! tayo na!... at sila'y yumaon. Habang lumalakad, dalawa'y nagsabay na isinusumpa ang abang namatay: Oh, Tuning! oh, Tuning!... ikaw n~ga ang sanhi n~g lahat n~g lumbay n~gayo'y tinatawid nitong aming buhay!... At pawa n~g gabing lubhang masusun~git na kasindaksindak, tanghalan n~g sakit, ang siyang sa n~gayo'y laging nilalayag n~g palad na amis, ikaw, ikaw Tuning, ang dahil n~g hapis ... N~guni't masaklap man ang nasapit naming laging naglalayag sa gabing madilim, pumayapa lamang ikaw sa tahimik, mapanglaw na libing at sa amin yao'y kapalaran na rin ... At doon natapos, ang lahat n~g sumpa doon din tumulo mapait na luha; oh, kahabaghabag na palad ni Tuning, babaing naaba natan~gi ang lan~git, siyang nagluluksa!... Oh, taksil na pita sa dan~gal at yaman, ang lahat n~g ito'y iyong kasalanan; ang busabusin mo, kahi't man umidlip doon sa libin~gan sumpang sunodsunod, walang katapusan!... Pagka't sa bayan mang sinilan~gan niya, bawa't makabatid ay napapatawa at tan~gi sa sumpa, paghabag, pagiring ay isusunod pa: Nasawing Pagasa!... Nasawing Pagasa!... WAKAS PARAGAL SA KUMATHA G NASAWING PAGASA! Ang Diwa Mo! _Kasamang Angel!_ _Dahil sa pagkabasa ko ng iyong kathang NASAWING PAGASA! na pangapat na buga ng iyong panulat, sa pitak ng pahayagang ANG DEMOCRACIA ay natula ko ang sumusunod:_ Nang ikaw ay di ko nakikilala pa't Ang ilan mong katha ay aking mabasa, Akala ko mandi'y isa kang poetang May sapat n~g gulang at pagkabihasa. Oo, akala ko, ikaw'y isa na rin Sa m~ga kilalang Santos, Matanglawin, Pea, Regalado, Mariano't Ben Ruben Na, inuuban na sa gayong gawain. Dahil sa ang iyong m~ga gawang katha Ay nan~gasusulat na lahat sa tula, M~ga tulang hindi pangsira sa wika At bagkus pangayos, pangbuhay sa diwa. N~guni't sa limbagan n~g Pamahalaan Nang aking mamalas iyong kabataan: Yaong paghan~ga ko'y lalong naragdagan At halos di kita mapaniwalaan. Isang katulad mo! isang batangbata Ang makayayari n~g maraming katha; M~ga kathang busog sa m~ga hiwaga ... At bihibihira ang nakagagawa? Sinong di hahan~ga sa dunong mong angkin Lalo't sa lagay mo, ikaw, uuriin? Ah! di sa pan~galan lamang ikaw Angel! Sa puso ma't diwa ikaw ay Angel din! Angel ka n~gang buhat doon sa Olimpo Na pinaparito n~g diyos Apolo, Upang makatulong sa pagbungkal dito N~g mina n~g Wika nating Pilipino. Na, nan~gatatago sa parang at gubat At sa m~ga bundok na lubhang mataas; Sa sapa at batis sa ilog at dagat Na puno n~g m~ga magandang alamat. Ang kasangkapan mo na iisaisa Ang nan~gagagawa ay katakataka, Sa sama'y pangbuti, sa dun~go'y pasigla Sa sira'y pangbuo't pangaliw sa dusa. Kasangkapang laging laan sa pagdamay Sa nan~gaaapi at nahihirapan, Mabait na guro sa han~gal mangmang, Sulong maliwanag sa nadidiliman. Oh, ang yong diwa na nagpapagawa Sa iyong panitik na gintong mistula, N~g m~ga puntahing banal at dakila Sa ikabubunyi n~g sariling Lupa!... Bayaan mong ako'y magpilit tumugtog Sa aking kudyaping mahina at paos, Tanda n~g paghan~ga at pagpuring lubos Sa m~ga gawa mong dakila at bantog. LEONARDO L. GOMBA. Maynila, S.P., Abril, 1910. [Mga Patalastas] [Mga Patalastas] End of the Project Gutenberg EBook of Nasawing Pagasa, by Angel de los Reyes License: Share Alike